Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko buong araw dahil sa mga pakulo ni John. Sa umaga palang paggising ko, text niya agad ang bumungad sakin. Tapos nung lumabas ako ng bahay, naghihintay na siya sakin sa labas at sabay kaming nagbreakfast bago pumasok sa office. Pinagtitinginan kami ng mga tao dahil magkasama na naman kami. Alam kong my idea na sila na nagkabalikan na kami ni John. Mukhang masaya naman ang iba para sa amin. Pero hindi na mahalaga kung ano ang sasabihin nila.Sabay din kami nag lunch ni John. Sa cafeteria lang kami kumain. Nung hapon na ay nagtaka ako dahil hindi pa uwian pero sinundo na niya ako sa department ko.
"Bakit maaga tayong uuwi?" Tanong ko habang palabas na kami ng office.
Ngumiti siya sakin saka inakbayan ako at hinapit palapit sa kanya habang naglalakad kami, "Excited lang akong ipaalam sa parents ko na ikakasal na tayo. Sigurado matutuwa sila."
"Sigurado ako na magugulat sila. Ang bilis kasi ng pangyayari. Ang akala nila eh hiwalay na tayo."
"Yeah, but they love you kaya alam kong gusto ka nila maging daughter-in-law lalo na si mommy." Nakangiti si John habang sinasabi yun na parang confident siya na magiging okay ang lahat.
Napayuko ako at tahimik na nagdasal na sana magiging okay ang pag amin namin. Kahit gusto ako nina tita at tito, syempre ibang usapan na ang kasal.
"Relax," sabi niya nung makaupo na ako sa passenger seat saka hinalikan niya ako sa ulo. "You look tense, mahal. I know they'll be happy for us so don't worry, okay?" Nakangiting sabi niya sakin.
Tumango ako at ngumiti narin sa kanya.
Nagdrive na siya papunta sa bahay nila. Naninibago ako sa ka sweetan ni John. Lagi niyang hinahalikan ang kamay ko pag nakastop kami sa red light tapos ngingiti siya paminsan-minsan na parang kinikilig. Napapangiti rin ako dahil sa mga ngiti niyang nakakahawa. Parang feeling ko naging teenager ulit kami.
Napaayos ako ng upo nung tumigil kami sa bahay nila. Medyo matagal rin akong hindi nakadalaw dito. Ilang buwan na ba bago ko huling nakita si Tita Penelope?
"Good afternoon, Sir John at Maam Patricia."
Ngumiti ako kay manang dahil sa pagbati niya sakin. Matagal ko rin siyang nakasama dito sa bahay noong andito pako at siya yung isa sa mga lagi kong nakakausap dati kaya close kami niyan.
"Good afternoon po," bati ko pabalik.
Nakahawak si John sa bewang ko habang papunta kami sa sala. Hindi ko pa nakikita sina Tito Dino at Tita Penelope. Siguro nasa taas sila.
"Stay here. I'll call them upstairs."
Tumango ako sa kanya saka siya humiwalay ng hawak sakin para umakyat na.
Naiwan ako sa sala. Dati naman comfortable ako dito pero ngayon feeling ko parang bago lang ako nakapunta dito at ipapakilala palang ako ni John sa parents niya.
Ganito pala ang feeling pag may ibabalita kayo no? Nakakakaba. Napaupo ako at naghintay sa kanila.
"Patricia, is that you?!"
Napabaling ang tingin ko sa kung saan nanggagaling ang boses ni tita.
"Ikaw nga! How are you, hija?!" Tuwang-tuwa na sabi niya saka lumapit sa akin. Tumayo ako para salubungin siya. Niyakap niya ako kaya napayakap din ako sa kanya. Pagkatapos niyang humiwalay sa yakap ay ngumiti siyang tumingin sa akin, "Kakarating mo lang ba? Bakit hindi ka dumiretso sa kusina? Nagluluto kasi ako don. Buti naman naisipan mong dalawin ako ngayon. Na miss kita sobra."
"S-Sorry po. Naging busy po kasi kaya hindi na ako nakadalaw saka..." Hindi ko tinuloy ang sinasabi ko dahil kinabahan ako bigla.
"You look uncomfortable, hija. This is your home too. Matagal kang tumira dito kaya wag kang mailang, okay?" Magiliw na sabi ni tita. Halata kung gaano siya katuwa na makita ako. "Halika sa kitchen, tikman mo ang mga niluto ko."

YOU ARE READING
Playful John (Barkada Series 2)
General FictionThe sequel of My Aloof Husband. John hates Patricia a lot because his parents give her too much attention. He also hates her because she never learned to look at him as a man. For her, he's playful, arrogant and a playboy while she's smart, hard-wo...