Maga ang mga mata ko paggising kinabukasan. Kahit hindi ako sanay mag make up, naglagay parin ako para takpan ang pamamaga ng mga mata ko.Ang tagal ko kasi umiyak kagabi. Para akong nasiraan ng bait.
Hindi ko pinansin ang mga matang nakatingin sa akin pagpasok ko ng company. Hindi ko alam bakit sila nakatingin. Dahil ba napapansin parin nila na maga ang mga mata ko o dahil alam na nilang break na kami ni John kaya pinagtatawanan na nila ako?
Patuloy lang ako sa paglakad at hindi na pinansin ang mga matang nakatingin sakin. Ayoko masira ang araw ko. Dahil sirang-sira na ang puso ko, ayoko pati araw ko ay tuluyang masira.
Dumating ako sa office room ko. Agad akong sinalubong ni Lady.
"Maam Pat, may ipapa-perma po sana ako. Perma niyo nalang ang kulang bilang go signal sa shipment."
Napatango ako saka pinermahan ang papel na dala niya.
"Thank you po." Nakangiting sabi niya saka tumingin sakin. Agad napakunot ang noo niya. "Maam, nag make up po ba kayo?" Tanong niya.
Natigilan ako. Napahawak ako sa pisngi ko, "Panget ba?" Nag aalalang tanong ko. Baka ito ang dahilan bakit nakatingin sila sakin kanina. Hindi dahil sa namamaga ang mga mata ko o kaya dahil sa break up namin ni John kundi sa make up.
Tumawa siya, "Nagbibiro po ba kayo, maam? Eh ang ganda-ganda niyo nga eh. Mas lalo po pala kayong gumaganda pag naka-make up."
Napangiti ako pero hindi abot ng mga mata ang ngiti ko, "Salamat. Pero hindi mo ako kailangang bulahin."
"Totoo po yan, maam. Itanong niyo pa po sa ibang empleyado."
Napailing nalang akong ngumiti ng konti saka pumasok na sa office ko.
"Ay maam, may meeting po kayo ngayon," sabi niya na kinatigil ko. Takang humarap ako sa kanya.
"Ha? Saan?"
Wala naman akong maalala na meron akong ka meeting ng ganito kaaga.
"Nagpatawag po ng meeting si Sir Dino kahapon. Lahat daw po ng department heads ang kailangan nandoon."
Lahat? Ibig sabihin kasama siya don.
Wala akong nagawa kundi ang mapatango nalang. "Kukunin ko lang ang mga gamit na kailangan ko," sabi ko.
"Sige po."
Pumunta na ako sa desk ko.
Napahawak ako sa puso ko nung bumilis tumibok ito. Hindi dahil sa tuwa kundi dahil sa kaba at may halong sakit. Kagabi lang kami nag break. Kaya ko na bang harapin siya? Napailing ako dahil akam ko ang sagot sa tanong ko. Hindi naman kasi ganun kadali mawala ang sakit. Lalo na at ilang oras palang ang nakalipas. Napatingin ako sa salamin at sinigurado na hindi nahahalata ang pamamaga ng mga mata ko. Nag apply ulit ako ng concealer sa ilalim ng mga mata ko. Hindi pa naman ako magaling maglagay ng make up. Ng dahil sa break up, napa make up tuloy ako.
Nung makontento na ako ay kinuha ko na ang mga kailangan ko saka lumabas na. Bitbit ang notebook at ballpen, sumakay na ako ng elevator. Habang palapit ng palapit sa floor na pupuntahan ko ay palakas ng palakas ang kaba ko.
Nung tumunog ang elevator ay napa buntong hininga ako ng malalim na napapikit. Nung dumilat ako ay saka bumukas ang elevator kaya lumabas na ako. Sobrang tahimik ng paligid kaya naririnig ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang sinisigawan ako nito.
Gusto ko mang wag dumalo pero hindi pwede. Labas dapat sa trabaho ang ano mang personal na issue ko sa buhay.
Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang door knob. Dahan-dahan lang ang pagbukas ko nito. Nung nakapasok na ako ay dumiretso agad ako sa upuan ko.

YOU ARE READING
Playful John (Barkada Series 2)
General FictionThe sequel of My Aloof Husband. John hates Patricia a lot because his parents give her too much attention. He also hates her because she never learned to look at him as a man. For her, he's playful, arrogant and a playboy while she's smart, hard-wo...