Chapter 42: Heartbreak

16.8K 503 38
                                        


Pagbalik ko ng villa, nagligpit agad ako ng mga gamit ko at nilagay lahat sa maliit na maletang dala ko.

Sinabihan ko si Klein na gusto ko ng umuwi kaya nagbooked siya ng plane pero bukas pa daw ng umaga dadating dito sa isla. 6am na ang pinaka maagang flight na nakuha niya.

Habang nag iimpake ay hindi parin matigil-tigil sa kakapatak ang mga luha ko. Hindi na ata maubos-ubos ito. Pinunasan ko ito saka sinarado ang maleta ko. Saktong narinig kong bumukas ang pinto sa labas kaya agad kong tinago ang maleta ko sa ilalim ng kama at agad nahiga. Pinikit ko ang mga mata ko at nagkunwaring tulog.

"Patricia." Mahinang tawag niya sa akin.

Hindi ako gumalaw o sumagot. Ayoko makipag usap sa kanya. Baka kung anong palusot na naman ang sasabihin niya sa akin.

Narinig kong napabuntong hininga siya saka lumundag ang kama kaya alam kong sumampa na siya dito. Kinareer ko ang magkunwaring tulog na. Hanggang sa maramdaman ko ng humiga siya sa likod ko saka niyakap ako sa likod. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya.

Galit ako sa kanya pero bakit parang nami-miss ko ang yakap niya? Gusto ko din siyang yakapin. Pero may pumipigil sa akin. Hindi pwedeng yakapin ko siya dahil ibig lang sabihin nun, kinukunsinti ko ang maling ginawa niya. Hindi yun biro. Cheating is cheating. Hindi maliit na bagay lang yun.

Kung hindi siya tapat sakin ngayon, paano pa kaya sa mga susunod?

Hindi ko nga alam kung kaya kong patawarin at kalimutan ang ginawa niya. Sobrang sakit kasi.

Ayokong isipin na ito ang huling chance na mayayakap ko siya dahil parang sinasaksak ang puso ko.

"Patricia, I'm sorry." May pumatak na naman na luha mula sa mga mata ko. Pero hinayaan ko lang ito at hindi parin ako gumalaw. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko at mas mahigpit pa akong niyakap. Mas lalo akong naiyak pero hindi ko pinahalata.

Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Mahal na mahal ko si John at sa puntong ito, naiinis ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Nasasaktan ako dahil feeling ko niloko niya ako. Hindi porket may problema kami, maghahanap na siya ng ibang babae na magpapaligaya sa kanya.

Pero ang mas masakit, ang akala ko ay sapat na ang pagmamahal niya sa akin para hindi niya ako lokohin. Pero hindi pala, kulang pa. Dahil ang totoong nagmamahal, hindi gagawa ng bagay na masasaktan ang mahal niya.

Nakatulogan ko ang pag iyak. Hindi ko na din pinansin na magkatabi kami ni John sa kama at yakap niya ako. Kahit papano kasi gumaan ang pakiramdam ko sa yakap niya pero hindi sapat yun para mapatawad ko siya sa kasalanan niya.

Sobrang sweet at thoughtful ni John sa akin kaya hindi ko akalain na magagawa niya yun. Napatunayan ko na hindi sapat ang ilang buwan para makilala ng lubos ang isang tao.

Saktong nagising ako isang oras bago ang flight. Dahan-dahan akong bumangon para hindi ko magising si John na nasa tabi kong natutulog. Tiningnan ko muna ang mukha niya. Napangiti ako sa isipang ito ang lalaking mahal ko. Pero napalitan ang ngiti na yun ng lungkot nung maalala ang nangyari.

Napailing ako para tanggalin sa isip ko ang problema. Baka kasi maiyak na naman ako. Kailangan ko pang mag ayos, kaya umalis na ako sa kama at dumiretso sa banyo. Sobrang tipid lang ng mga galaw ko para hindi ako makalikha ng ingay na ikagising niya.

Paglabas ko ng banyo ay ayos na ayos na ako saka ko hinila ng mahina ang maleta ko sa ilalim ng kama. Mabuti nalang talaga mahimbing matulog si John dahil hindi ko gustong magtalo na naman kami sa pag alis ko.

Ayoko na dito. Hindi ko kayang mag panggap sa kanya na okay lang kami at makisama sa kanya ng dalawa pang araw. Isa pa, marami na ang nakaalam ng nangyari dun sa bar. Ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanila? Ang mukhang alam nilang niloko ng boyfriend niya.

Playful John (Barkada Series 2)Where stories live. Discover now