Malakas ang music, nag iingay ang mga tao, may nagsasayawan, meron naghahalikan at kung anu-ano pa. Ibang-iba ito sa unang gabi dahil ngayon, ang wild na ng mga tao. Mas gusto ko nalang tuloy lumabas at bumalik nalang sa villa.Akmang tatalikod na sana ako nung mahagip ng mga mata ko ang isang sexy na babae na dumaan sa harap ko at naka mini shorts at naka crop top na sleeveless. May dala itong baso na sa tingin ko ay alak ang laman nun. Pinagmasdan ko siya kung saan siya papunta at napatuwid ako ng tayo nung inabot niya ang baso na yun kay John.
Tinanggap ni John ang baso at nakita kong nagpasalamat siya sa babae saka ngumiti pa. Akala ko aalis na ang babae dahil tapos na niyang ibigay ang alak pero hindi. Umupo siya sa tabi ni John. Umiinom si John sa baso nung hinawakan ng babae ang braso niya. Napangiti ako nung inalis ni John ang kamay ng babae sa braso niya. Pero binalik ulit ng babae ang kamay sa braso niya. Hindi ko napigilan na mapakunot ng noo. Bakit ang landi ng babaeng yun?
Gusto kong lumapit at tanggalin ang kamay niya sa braso ng boyfriend ko nung may pumigil sa akin na lumapit.
Hinarap ko kung sino ito.
"Stay here. Just watch them." Nakangiting sabi niya saka uminom sa hawak niyang alak. "Thanks for coming by the way."
Umiling ako, "Pero nilalandi na niya si John. Papanuorin ko lang??" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumawa siya ng mahina. "You let John handle her. Ito ang sinasabi ko sayo kanina, you have to know how he acts when he's exposed to temptations. Kung itataboy niya ba ang babae o hahayaan niya lang ito o papatulan niya. You have to see if he has really changed completely."
Humarap ako uli kung saan si John. Parang may kung anong emosyon na nagbi-build up sa dibdib ko nung makita kong hinahayaan lang niya na hawakan siya ng babae.
"Women are so attracted to him. Kahit wala siyang gana sa mga ito, hindi siya titigilan ng mga babae hanggat hindi siya mismo ang tumataboy sa kanila." Sabi niya habang ang mga mata ko ay hindi maalis kay John. Parang pinipiga ang dibdib ko na makitang may nakakalapit sa kanyang babae na ganyan ka lapit.
Umiinom siya ng alak at nasa malayo ang tingin. Napansin kong nagsasalita ang babae pero ni hindi ito pinapansin ni John. Gusto kong manaig ang tiwala ko sa kanya. Alam kong hindi niya papatulan ang babae. Alam ko dahil mahal niya ako.
"Hindi siya pinapansin ni John. Sabi ko sayo eh, nagbago na siya." Sabi ko. Parang sarili ko ata ang kinukumbinsi ko sa sinabi ko at hindi si Klein.
"Really?" Malokong ngiti na sabi niya.
Dahil sa tono ng boses niya, napatingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo. "Oo. Mahal ako ni John. Hindi siya gagawa ng bagay na ikakasira ng relasyon namin."
He grinned even more saka may nginuso, "Look at him."
Sinunod ko ang sinabi niya kaya dahan-dahan akong tumingin kay John. Sakto nung tumingin ako ay saka naman hinawakan ng babae ang panga niya saka pinagdikit ang mga labi nila.
Napanganga ako sa gulat sa eksenang yun. Parang may bumara sa lalamunan ko at nanghina ang mga tuhod ko. Umaasa akong itutulak siya ni John pero mas lalo akong nanlumo nung gumalaw din ang labi niya at sinasagot na ang halik ng babae.
Isa-isang nagpapatakan ang mga luha mula sa mga mata ko. Tumigil ang mundo ko at tanging naririnig ko lang ay ang bilis ng tibok ng puso ko.
Galit na liningon ko si Klein, "Sinet up mo ba siya?!" Mahina at madiin kong tanong sa kanya.
Gusto kong maniwala na set up lang to. Na hindi ako kayang lokohin ni John.
"Wala akong ginawa. Yung babae mismo ang lumapit sa kanya. The only thing I did was to ask you to come." Seryosong sabi niya.

YOU ARE READING
Playful John (Barkada Series 2)
General FictionThe sequel of My Aloof Husband. John hates Patricia a lot because his parents give her too much attention. He also hates her because she never learned to look at him as a man. For her, he's playful, arrogant and a playboy while she's smart, hard-wo...