Special ChapterPababa ako ng hagdan bitbit ang bag ko sa kabilang kamay habang nasa kabila naman ay karga ko ang bunso namin. Ako kasi ang nag aasikaso sa kanya sa umaga. Habang ang tatlo naman ay si John ang nag aasikaso.
Naabutan kong magulo na naman sa dining area. Si Jodie, hinahabol ang kapatid niyang si Jeliza. Naglalaro na naman sila imbis na kumain. Si Johnny naman ay nasa high chair na niya at naglalaro ng cars sa mesa at may sound effects pa gamit ang bibig niya.
Nasanay narin akong ganito kagulo ang bahay. Sa apat na ang anak ko, hindi paba ako masasanay?
Saktong pagpasok ko ng dining room ay dumating din si John. Naka suot siya ng apron at nilagay ang dalang waffles sa mesa bago lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi.
"Good morning, mahal. I cooked waffles for us. Papakainin ko lang ang tatlo saka ko ihahatid sina Jodie at Jeliza sa school nila. Hindi ba maaga ang meeting mo ngayon? Ako na maghahatid sayo."
Tumango ako, "Sige, hindi naman maaga ang meeting ko. Ihatid muna natin ang mga bata bago ako. Na miss ko narin sumamang maghatid sa kanila."
"Sure, mahal," sabi niya saka kinuha ang bag na dala ko at nilagay sa isang upuan.
Ako naman ay nilagay na si Janica sa isa pang high chair dito na kung saan siya nakaupo tuwing kainan. Pagkatapos kong gawin yun ay bumaling ako sa dalawang masayang naghahabulan.
"Jodie, Jeliza, tama na yan. Let's eat. Hindi pa kayo pumapasok amoy pawis na agad kayo niyan."
Tumigil naman silang dalawa at nagtatawanan pang umupo na. Nilapitan ko sila at inayos ang nagusot na uniforms nila. Si John ang nag ayos ng mga buhok nila at in fairness gumagaling na talaga siya.
"Thank you, mama," sabi nila pagkatapos ko silang ayusan.
"Welcome, mga anak."
Umupo na ako sa upuan katabi ni Janica para masubuan ko siya. Si John naman ay nagtanggal ng apron saka lumapit sa tabi ni Johnny. Siya kasi ang magpapakain sa kanya. Ang dalawang babaeng panganay namin ay marunong na kumain mag isa. Pina-enroll narin namin sila sa preschool para hindi mabagot dito sa bahay. Atleast doon marami silang matutunan.
"Anong oras ka lalabas mamaya? Sasama kaba sa birthday party ng kaklase ni Jodie?"
Napatingin ako kay John, "Ngayong araw na pala yun? Hindi ata ako makakasama. May meeting ako around 5pm."
"Okay lang, mahal. Kami nalang ng mga bata ang pupunta," nakangiting sabi ni John saka sinubuan na si Johnny.
Napangiti ako habang nakatingin sa mag ama ko. Ang swerte ko sa asawa ko. Siya na halos lahat ang nag aasikaso sa mga anak namin at never ko pa siyang narinig na nag complain. He enjoys his job as a father. Nakikita ko kung gaano siya kasaya dito sa bahay kasama ang mga bata. Minsan sinabi niya sakin na buti nalang daw hindi siya nagtatrabaho dahil hindi niya ma e-enjoy ang mga bata ng ganito. Nakikita kong he's contented as a stay at home father.
Kung dati gusto ko na may pangarap siya sa buhay pero ngayon, gusto ko nalang na masaya siya. Hindi naman kami pinapabayaan ni John eh. Magaling nga siya sa pag manage ng time niya sa amin. He can multitask too.
Pinakain ko na si Janica. Buong breakfast ay maingay dahil sa lahat ay nagsasalita at kung anu-ano ang pinaggagawa.
"Mama, are we still going to the beach on Saturday?"
Napaangat ako ng tingin kay Jodie, "Of course, anak. Tuloy tayo sa Saturday. Diba gusto niyo yun?"
Tumango siya saka nagpalakpak, "Yey!!"

YOU ARE READING
Playful John (Barkada Series 2)
General FictionThe sequel of My Aloof Husband. John hates Patricia a lot because his parents give her too much attention. He also hates her because she never learned to look at him as a man. For her, he's playful, arrogant and a playboy while she's smart, hard-wo...