Napapangiti ako habang tinitingnan ang picture namin ni nanay nung namasyal kami kahapon. Parang feeling ko accomplished ako kasi natupad ang ilan sa mga pangarap ko para sa amin. Napasyal ko si nanay sa magagandang lugar dito sa Manila, naibigay ko ang mga pangangailangan nila at makitang maayos at masaya sila.Isa nalang ang gusto ko para sa amin, ang magkasama kaming tatlo dito sa Manila.
Kaninang umaga hinatid ko si Nanay sa terminal. Magbu-bus kasi siya pauwi. Gusto ko sanang umuwi din kaya lang si Nanay na ang napunta dito at yung dapat na araw na uuwi ako ay pinasyal nalang namin dito.
"Maam, lunch time na hu. Hindi pa po ba kayo maglu-lunch?" Napunta kay Lady ang tingin ko nung nagsalita siya.
"Maglu-lunch na. Ikaw rin." Sabi ko.
"Sige po."
Tiningnan ko ulit ang phone ko saka pumunta sa messages. Hindi pa nagtetext si John. Sabi niya kasi sabay kami mag lunch eh. Hintayin ko daw na matapos siya sa training niya kasama si Miss Joyce saka magte-text daw siya kung papunta na siya dito sa akin. Pero hanggang ngayon ay wala parin siyang text.
Nilagay ko sa bulsa ang phone ko saka tumayo na. Ako nalang ang pupunta sa taas para hintayin siya matapos.
Sumakay ako ng elevator papunta sa taas. Binabati ako ng mga tao na madadaanan ko. Binabati ko din sila pabalik. Pero nanibago parin ako dahil hindi naman sila ganito dati. Simula nung maging kami ni John, kumalat agad yun sa buong building kaya ang mga tao ay napapansin na ako. May iba na okay sa akin pero meron paring chini-chismis ako.
Hinahayaan ko nalang kasi wala naman akong magagawa kung ano ang tingin nila sakin. Hindi naman sila ang nagpapatakbo ng buhay ko kaya hindi mahalaga ang sasabihin nila.
"Good noon, maam." Bati sakin ng bagong assistant ni John na si Helga. Kumuha kasi si tito ng assistant niya para daw may tutulong sa kanya sa mga obligasyon niya dito.
Ngumiti ako sa kanya, "Good noon. Nasa loob pa ba si John?"
"Opo, maam. Asa loob po."
"Pwede ba kong pumasok?" Sabay turo ko sa pinto ng office room ni John.
"Ah opo. Binilin ni Sir John na isa lang ang pwedeng makapasok sa office niya anytime kahit walang pahintulot mula sa kaniya at kayo lang po daw yun, maam."
Natigilan ako sa sinabi niya. Napaiwas ako ng tingin at napatango. Si John talaga ang daming naiisip. Pati sa assistant niya pinapaalam niya kung gaano siya ka corny.
"S—Sige papasok nako. Thanks." Sabi ko nalang saka naglakad na papunta sa pinto.
Binuksan ko ang pinto na yun at nandoon nga si John nakaupo sa likod ng desk niya at nakatayo sa tabi niya si Miss Joyce habang nagpapaliwanag sa kanya.
Napansin ko kung gaano kalapit sila sa isa't-isa. Yung tipo na isang lingon lang ni John sa gawi niya ay tatama na ang mukha nito sa dibdib ni Miss Joyce. Napakunot ang noo ko lalo na nung mapunta ang tingin ko sa dibdib nito. Ang haba naman ng neckline ng suot niya. Yung tipo na labas na kalahati nung ano niya.
Naiintindihan ko naman na may sari-sariling style ng pananamit ang mga tao pero bakit hindi ko gusto yang suot niya lalo na kapag alam kong magkasama sila lagi ni John?
Napatikhim ako para kunin ang attention nilang dalawa na nangyari naman. Agad na napaangat ng tingin si John at umaliwalas ang mukha ni John nung makita niya ako.
"Babes." Tuwang tawag nito sakin saka tumayo siya at sinalubong ako. "Bakit pinuntahan mo ako dito? Na miss mo na ako agad?"
Nasa harapan ko si John pero nakatingin ako kay Miss Joyce na ngayon ay nakatingin sa aming dalawa. Nung makita niyang nakatingin ako sa kanya ay agad siyang ngumiti sa akin. Sinuklian ko din siya ng ngiti saka siya ang kinausap, "Tapos na po ba kayo? Maglu-lunch na kasi sana kami."

YOU ARE READING
Playful John (Barkada Series 2)
General FictionThe sequel of My Aloof Husband. John hates Patricia a lot because his parents give her too much attention. He also hates her because she never learned to look at him as a man. For her, he's playful, arrogant and a playboy while she's smart, hard-wo...