Chapter 43: Different

17.3K 507 101
                                        


Kakauwi ko lang sa mansion at nakausap ko na din si tita. Humingi ako ng sorry dahil pinag-alala ko siya. Sinabi naman niyang okay lang at naiintindihan niya.

Nakahinga ako ng maluwag ng tinapos na niya ang usapan at hindi na niya tinanong ang rason sa hindi namin pagkakaintindihan ni John. Natuwa ako dahil napaka sensitive nila sa situation. Hinihintay nila na kami mismo ang magsasabi.

Paakyat na ako ng hagdan para pumunta na sa kwarto pero natigilan ako nung marinig ko ang boses ni John.

N—Nandito siya?

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses niya. Wala naman siya dito sa hallway. Naglakad pa ako at napatigil ulit nung may marinig akong nag uusap sa kwartong nasa kanan ko. Tiningnan ko ang pinto at medyo nakaawang ito kaya naririnig ko ang usapan nina John at ni Tito Dino sa loob ng office.

Ewan ko kung anong sumapi sa akin at naisip kong makinig sa usapan ng iba.

"What do you mean you don't wanna come with me to the States?? John, we already fixed everything! You can't just back out in the last minute. Bukas na ang alis natin," galit na sabi ni tito.

Tumayo ako sa gilid ng pinto para hindi nila ako makita.

"Do I have to explain myself? Can't I back out for a reason that I don't want to do it anymore? I don't wanna do this sh*t anymore, dad. Wala naman talaga akong gana sa business na to. I only did this because of—" Hindi tinuloy ni John ang sinabi. Pero alam ko na akong ang tinutukoy niya. Sa umpisa palang sinabi na niya sa akin na ginagawa niya lahat ng to para sa akin. At ngayon, ayaw na niya. Anong ibig sabihin nito? Na ayaw narin niya sa akin?

Parang may bumaon na namang patalim sa puso ko. Pilit kong pinakalma ang sarili ko baka umiyak na naman ako.

"Because of her, isn't it?" Dugtong ni tito. "I know it, John. I knew you did all these because you wanted to impress her. But you're already trained, and I can see that you really do have a potential. Why do you need to back out? Just because hindi kayo maayos ngayon? Can't you choose our business just because you want to do it and not because of any person? John, grow up! My company is not a toy na gagamitin mo pag gusto mo at bibitawan pag ayaw mo na. I invested so much for your training, and I already planned on months ahead to help you improve your capacity. Then you would tell me now na ayaw mo na???"

Nakarinig ako ng sandaling katahimikan. Ako ang nasasaktan para kay tito. Alam ko lahat ng effort niya para turuan si John at alam ko din ang mga plano niya para dito. Naalala ko yung tuwa sa mukha niya nung sinabi niya sa akin na magtatrabaho na si John sa company. Ramdam ko kung gaano siya kasaya nun. Kaya nalulungkot ako sa naririnig ngayon dahil alam kong na disappoint siya sa decision ngayon ni John.

"You're being irrational, son. Hindi na kita maintindihan. Nung minahal ko ang mommy mo, I had no conditions for her. I didn't treat her as a lottery wherein I really have to win her just because tumaya ako sa kanya. That's not what love is. Tumaya ka yun ay dahil gusto mong gumanda ang buhay mo at ng mga tao sa paligid mo. She is not a price to be won, she's rather a bonus from your winning. If she wants you to be a responsible man, just do it because you want to and not because she asks you to."

"I don't know what I want anymore, dad. Patricia won't forgive me."

Napahawak ako sa dibdib ko. Hinihintay ang susunod na sasabihin niya. Hindi ko sila makita kaya hindi ko alam kung anong reaction niya.

"Ano ba kasi ang ginawa mo?"

Kinakabahan ako. I am hoping John won't tell him the truth. Ako ang natatakot para sa kanya. Ang babait ng parents niya pero grabe din sila kung magalit. Kaya sana wag niyang sabihin.

Playful John (Barkada Series 2)Tempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang