Nagpalakpakan ang mga empleyado matapos akong ipakilala ni Tito Dino sa kanila. Unang araw ko ngayon sa trabaho. Kinakabahan ako pero dahil sa mga payo ni Tito ay nabawasan ang pag aalala ko. Ini-encourage niya kasi ako."Okay. That's all for today. You can go back to work, everyone."
Nagsialisan na ang mga empleyado at naiwan ang isa na magtra-train daw sa akin. Siya ang magiging assistant ko at siya ang mag ga-guide sa akin sa operations. Matagal na daw kasi siya dito at kabisado na niya ang pasikot-sikot sa company. Tito trusts her a lot.
"Lady, ikaw na ang bahala kay Patricia. She's smart, I know you won't have a hard time teaching her." Saka bumaling sakin si tito, "Let me know if you need something."
"Opo. Thank you."
Nagsimula ng turuan ako ni Lady. Nag umpisa kami sa office ko. Sobrang ganda nito at sinadya pa daw ni tita na e renovate ito para sakin. Natuwa ako dahil ito talaga ang style ko.
"Maam Patricia, ito po ang mga documents ng lahat ng transactions natin since 2010. Nakasulat po jan lahat ng manufacturers, buyers, clients and inventories ng company. Basahin niyo nalang po para malaman ninyo lahat ng companies at personaledad na connected sa atin."
"Okay. Sino ang pinakamalaking shareholder ng company?"
"Si Sir Dino po. Pangalawa naman si Sir Sander po, ang Chiu Airlines. Kaibigan po siya ni Sir John. Binili niya po kasi ang stocks na naiwan ng namatay na shareholder dati."
Tumango-tango ako. Familiar ang pangalan niya baka naging kaklase ni John dati sa university palang.
"Maganda kung ganun dahil sa kaibigan niya napunta ang malaking porsyento ng stocks. Mapagkakatiwalaan niya ito."
"Opo. Mabait po si Sir Sander. Ilang beses ko na po siyang nakita."
"Sige, ano pa ang kailangan kong gawin ngayon?"
"Sa ngayon po, basahin niyo nalang po muna lahat ng documents na yan." Sabay turo sa sobrang daming folders na naka pile sa desk. "Pagkatapos po, pupunta tayo sa ibang department para ipakita ko po sainyo ang mga empleyado na nagtatrabaho under sa inyo. 120 po lahat sila na under sainyo. Sa susunod na araw naman po, magto-tour po tayo sa factory para makita niyo po mismo ang pasikot-sikot dun at kung may makita kayong dapat e improve or palitan."
Sobrang dami pala ng trabaho na naka assign sa akin. Kailanman hindi ko inaasahan na 120 ka tao ang aalagaan ko. Parang ang laking responsibilidad ang nakapatong sakin pero hindi ako susuko. Gagawin ko lahat para sa kanila at hindi bibiguin sina tito at tita.
Buong araw akong nagbasa ng mga documents. Pinakita din sakin ni Lady ang mga online features ng company website. Madami akong natutunan bilang isang operations manager. Hindi talaga biro ang pumapasok at lumalabas na stocks sa company. Araw-araw ay may lumalabas na twelve million pesos at may pumapasok naman na fifteen million pesos which is maganda. Hindi ko noon inakala na ganito kalaki ang companyang pinanghahawakan ng mga Francisco. Napaka simple naman kasi nilang mag asawa. Hindi sila yung tipo na pinangangalandakan ang yaman nila. Kaya siguro threaten sakin si John kasi ganito pala kayaman sila.
As if naman na nanakawin ko ang pera nila. Papatunayan ko sa kanya na tutulong pa nga ako sa pagpapalaki nito.
Natapos kami ng alas sais na ng gabi. Sumabay ako kay tito umuwi dahil yun ang sabi niya. Para daw hindi na ako mag commute. Pagdating sa bahay ay nakatulog ako agad dahil sa pagod.
Sa sumunod na araw ay nilibot namin lahat ng department. Madami akong empleyado na nakilala. Lahat naman sila mababait at magalang kaya nakakatuwa lang. Mas napadali ng konti ang pag a-adjust ko.

YOU ARE READING
Playful John (Barkada Series 2)
General FictionThe sequel of My Aloof Husband. John hates Patricia a lot because his parents give her too much attention. He also hates her because she never learned to look at him as a man. For her, he's playful, arrogant and a playboy while she's smart, hard-wo...