Napangiti ako nung matanaw ko na si John pati si Tito Dino. Kumaway ako para makuha ang attention nilang dalawa. Nagtagumpay naman ako dahil tumingin sila sa direksyon ko saka ngumiti sila sakin.Sumama kasi ako na sunduin sila sa airport. Galing sila sa conference sa Singapore. Sinama ni tito si John para hasain ito sa negosyo. Mga apat na araw din sila doon. Para kasi kay tito, ready na si John. Tinapos na din niya ang training nito last week pa. Sobrang saya ko naman dahil hindi na sila palaging magkasama ni Miss Joyce.
"Hi, babes. I missed you." Niyakap ako ni John sa bewang saka nilapit sa kanya at hinalikan sa noo. Ngumiti siya sakin pagkatapos saka pinakawalan ako nung nagsalita si tito.
"Sorry to interrupt you both, but I need to leave now. May meeting pa akong pupuntahan." Paalam ni tito.
"Ingat po kayo." Sabi ko.
"Take care, dad."
Tumango siya samin, "Kayo rin. And John, iuwi mo ng maaga si Patricia. Alam ko miss niyo ang isa't-isa but she should be home before ten in the evening."
"Dad naman. It's our first monthsary. May curfew parin??"
"Of course. We promised her mom to watch over her. Kahit anak kita, hindi ka exempted sa mga ganitong bagay."
"Whatever, dad. We should get going. Nababawasan na ang oras ng date namin."
Ngumiti si tito saka umalis narin. Sumakay siya sa kotse na sumundo sa kanya. Kami naman ni John ay sumakay sa kotse niya na hinatid ng driver dito kanina.
Hinawakan ako ni John sa kamay papunta sa kotse niya. Pagkaupo namin sa kotse ay napangiti ako na tiningnan siyang nagmamaneho.
"Kamusta naman ang conference?" Tanong ko habang nakangiting nakatitig sa kanya.
Inaamin kong miss na miss ko siya. Ito ang unang beses na hindi kami nagkita ng apat na araw simula nung maging kami. Ganun pala yun no? Mas lalong lumalaki ang nararamdaman mo sa taong mahal mo pag hindi mo siya nakikita. Kaya totoo ang kasabihan na absence makes the heart grow fonder. Ganun na ganun ang nararamdaman ko ngayon kay John.
"Okay naman. Pero mas okay kung kasama sana kita." Sabi niya saka hinawakan ang isang kamay ko.
Mas lumawak ang ngiti ko, "Talaga miss mo din ako?"
Tumango siya, "Of course. Babes kita eh." Saka dinala sa bibig niya ang kamay ko na hawak niya at hinalikan yun. "Where do you want us to eat?"
"Kahit saan." Wala sa sariling sagot ko dahil kinilig ako sa simpleng paghalik niya sa kamay ko.
Liningon niya ako saglit saka natatawa habang nagmamaneho ng kotse niya, "Kahit sa hotel pwede?" Sabay ngisi niya.
Biglang nawala ang kilig sa katawan ko sa sinabi niya at parang bula na bilis nawala. Sinamaan ko siya ng tingin, "Subukan mo lang. Ito na ang last monthsary natin."
"It was a joke." Tawa niya ng konti.
"Hmp." Sabi ko nalang saka humarap na sa dinadaanan namin.
Napatingin ako sa kanya nung sa isang bbq place niya ako dinala. Ang daming nag iihaw dito at ang dami ding tao.
"Dito tayo kakain?" Disappointed na tanong ko. Akala ko kasi dadalhin niya ako sa isang mas maayos na lugar. Yung tipong medyo magara naman kasi nga first month namin. Diba ganun naman dapat? Special kasi ang araw na ito samin eh. Pero gaya ng dati, sa isang karenderya, fast food o ganitong lugar niya ako dinadala. Okay lang sakin yun pero minsan naman gusto ko din ma experience ang mag date sa mas maayos na lugar.

YOU ARE READING
Playful John (Barkada Series 2)
General FictionThe sequel of My Aloof Husband. John hates Patricia a lot because his parents give her too much attention. He also hates her because she never learned to look at him as a man. For her, he's playful, arrogant and a playboy while she's smart, hard-wo...