"Pagdating mo sa airport, meron ng susundo sayo papunta sa hotel na tutuluyan mo. Siya din ang maghahatid sundo sayo sa mga pupuntahan mo doon pati na kung gusto mong mamasyal after the meetings. Nasayo na ang itinerary sa loob ng tatlong araw mo dun, diba?" Mahaba at kanina pa sa kotse bilin ng bilin sakin si tito."Opo. Don't worry, tito. Kaya ko to. Hindi ko kayo bibiguin."
"Alam ko naman yun. Nag aalala lang ako dahil mag isa kalang. Ayaw kasi—"
"Tito, malaki na po ako. Kaya ko na po."
Tumango siya, "Thank you so much, Patricia, for doing this. You know how much I trust you kaya ikaw ang pinadala ko. But also, I want you to have fun there. Sulitin mo ang oras na wala kang lakad. I want you to come back here feeling contented."
Niyakap ko si tito, "Thank you po sa pagtitiwala sakin at sa bagong experience na to. Hindi ko na alam pano pa po ako babawi sa inyo sa dami ng naitulong niyo sakin." Naramdaman ko rin na niyakap niya ako.
Humiwalay ako saka ngumiti sa kanya at ganun din siya sakin, "Papasok na po ako." Tukoy ko na papasok ng airport.
"Take care." Tumatangong sagot ni tito.
Tumango din ako saka hinila na ang isang maliit na maletang dala ko. Nilingon ko siya saka nag wave sa kanya bago tuluyang pumasok sa airport.
Kinakabahan ako dahil ito ang unang meeting ko out of the country. Hindi naman dapat ako ang pupunta kaya lang busy na lahat ng head. Ang dami kasing schedule nila for the next months. Nagkataon lang kasi na namali ang schedule ni tito kaya bawal na e cancel dahil importante pareho at hindi pwedeng ipagpaliban. Baka mag pull out ang client sa Japan pag hindi kami sumipot.
Isa pang kinakabahan ko ay first time kong sumakay ng airplane tapos malayo pa ang pupuntahan ko. Ilang dasal na naman ako nito bago lumapag ang eroplano sa Japan. At tama nga ako dahil sa bawat turbulence ay dasal ako ng dasal. Hindi nga ako nakatulog buong byahe.
Pero natuwa ako dahil mababait ang crew sa plane. Maganda din ang pwesto ko dahil nakabusiness class ako. Grabe first time ko tapos business class pa. Ang sarap ng pagkain pati na ang kumot ang lambot at ang bango. Para akong VIP.
Tuwang-tuwa ako nung makalapag na ang eroplano sa Japan. Napangiti ako sa bawat taong madadaanan ko. Unang beses ko kasing mangibang bansa kaya hindi ko alam pano ba dapat makisalamuha sa iba't-ibang lahi. Sa mga hapon kasi sabi ni tita, mahalaga ang yumuko ka pag bumabati. Kaya yun ang ginawa ko sa taong sumalubong sakin.
"I am Yutu, madam. I will be your driver for three days." Sabi ng Japanese na driver ko daw. Ang bait niya saka ang ganda ng name.
"Hello. I'm Patricia. Nice to meet you." Nakangiting sabi ko sabay lahad ng kamay pero nagtataka niyang tiningnan iyon kaya naman agad ko binaba ang kamay ko at yumuko nalang saka siya nginitian. "Tara na —I mean let's go, Yutu."
"Okay, madame."
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse saka naman ako sumakay. Sobrang namangha ako sa lugar. Napakalinis at napakaganda. Picture ako ng picture sa bawat dinadaanan ko. Ipakakita ko ito kay nanay at Joseph.
Hinatid niya ako sa hotel na tutuluyan ko at sinabi sa akin na nandito na daw siya bukas ng 7 am para ihatid ako. Nagpa thank you ako sa kanya bago siya umalis.
Tinulungan ako ng bell boy sa pag akyat ng maleta sa suite ko. Pati kwarto ang ganda din. Ito sana ang kwarto ni Tito Dino kaya sobrang laki. Presidential suite ito eh. VIP ata ang peg ko ngayon kaya i-enjoy ko na to.
Tumawag ako kay nanay bago matulog. Kinamusta nila ang byahe ko at kinwento ko sa kanila kung gano ako natakot nung palipad at palapag na ang eroplano. Sana balang araw ma experience din nila ang makasakay. Kaya mag iipon talaga ako para jan. Gusto ko din iparanasa sa kanila ang naranasan ko.

BẠN ĐANG ĐỌC
Playful John (Barkada Series 2)
Tiểu Thuyết ChungThe sequel of My Aloof Husband. John hates Patricia a lot because his parents give her too much attention. He also hates her because she never learned to look at him as a man. For her, he's playful, arrogant and a playboy while she's smart, hard-wo...