Chapter 54: False Positive

19K 568 39
                                        


I checked my emails the moment na dumating ako sa opisina.

Napamasahe ako ng ulo dahil sa hindi talaga sumasagot sa emails ko si Mr Salvador. Nakailang emails na ako sa kanya at sa secretary niya pero wala paring sagot. Nung tumawag ako sa secretary niya ay sinabi ng secretary na wala ng spot for appointments in the next four months.

Hindi ako naniniwala don dahil ramdam ko at alam kong ayaw niya talaga makipag usap sa amin. Ilang araw na ang nagdaan at ayaw ko sayangin pa ang mga susunod na araw sa paghihintay sa reply nila na malabo ng mangyari.

Napabuntong hininga ako, "I give up." Sabi ko saka sumandal sa upuan. Kailangan kong mag isip ng paraan. Hindi pwedeng wala kaming gawin. Malapit na ang monthly meeting ng mga board members kaya kailangan naming gumawa ng paraan para ibalik ang pera bago nila malaman. Pero paano? Kanino ako lalapit? Hindi ganun kadali mag hanap ng clients na willing maglabas ng ganun kalaking pera.

Kailangan ko ng makausap si John. Kinuha ko ang cellphone ko saka di-nial ang number niya. Nakailang ring ako pero walang sumasagot. Nag dial ako ulit pero wala paring sagot.

Nagtatakang tiningnan ko ang phone ko. Nasan siya? Bakit hindi siya sumasagot sa mga tawag ko?

Kinuha ko ang company telephone saka dinial ang number ng office niya. Agad may sumagot dito. Secretary niya ang sumagot sa tawag ko, si Helga.

"Hi, this is Patricia from Operations Department. Can I speak to John?"

"Oh, Maam Pat, kayo pala. I'm sorry, maam, but Sir John didn't report today. He only said he's not coming without saying the reason why."

Napailing ako. Saan na naman kaya yun? Pano niya magawang umabsent na may problemang ganito sa companya??

"Okay. Thank you for the info."

Napaisip ako nung binaba ko na ang tawag. Tumingin ako sa phone ko at biglang nag pop up sa isip ko si Ralph.

Agad kong tinawagan ang number niya. Napangiti ako dahil baka ito na ang sagot sa tanong ko kanina. Mabuti nalang talaga nahingi ko ang number niya nung magkita kami sa resort doon sa Cebu kung saan una ko siyang naka-kwentuhan. Mismong private number niya talaga to kaya hindi na kailangan dumaan pa sa secretary niya.

Ilang ring lang ay sinagot agad niya, "Hello, Patricia?"

Napangiti ako dahil na save niya ang number ko, "Ralph, I'm sorry if naka istorbo ako. Meron lang sana akong kailangang e-discuss sayo. Pwede kaba?"

"Is it about John?"

"Ah, medyo. Tungkol kasi sa pera ng company na napatalo ni John. Kailangan na kailangan namin ng investors bago pa malaman ng board next week."

"I guess you called the wrong person." Sabi niya na kinataka ko. "When it comes to that matter, Sander is a better help. His company has sufficient funds to do more investing. My company is not even as big as Sander's. That man is a big time businessman."

Naalala ko na sinabi nila sakin na ang Chiu Airlines ang pinaka mayamang airlines sa bansa. Ito rin ang kabilang sa Top 5 na highest net income sa bansa dahil sila ang tinatangkilik ng mga tao at inaasahan pagdating sa travel services.

"Ganun ba. Sa tingin mo papayag yun makipag usap? Hindi kasi kami close nun at baka hindi niya ako kilala."

Natawa si Ralph sa kabilang linya. "Trust me, he knows you." Sabi saka natawa ulit. "I'll text you his phone number. Call him right away cause your problem seems like an urgent matter."

"Nako, thank you talaga. Sige tatawagan ko siya agad."

"You're welcome. Tell my friend to kick his own ass because he is making you worried about his own problem. He should be the one fixing his mess."

Playful John (Barkada Series 2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ