Chapter 5: Boring

25.7K 709 75
                                        


Bumalik na ako sa loob ng bahay matapos kong ihatid sa labas si Renz. Pagkapasok ko sa bahay ay nakita kong seryosong naglalakad si John papunta sa direction ko pero hindi siya sa akin nakatingin kundi sa pinto na nasa likod ko.

"John! Where are you going?!"

Napatigil ako nung tinawag ni tita si John. Agad naman tumigil ito at nilingon ang mommy niya, "I am old enough, mom. Let me do the things I want. I have my own life."

"Alam ko naman yan. Pero kakarating mo lang, diba?"

"I went home because dad told me to. I shouldn't have gone home only to witness something unpleasant. I don't really understand why I have to be here. I'll go now."

Napailing si tita at nilapitan si John. "We miss you, son.." sabay yakap, "Please stay here for tonight. Please? For your mom?"

Nakaramdam ako ng awa kay Tita Penelope nung marinig ang sinabi niya. Siya pa ang nagmamakaawa sa anak niya na mag stay dito. Nainis ako bigla kay John. Hindi dapat ang ina ang nagmamakaawa sa anak.

Hindi ko tuloy napigilan makisali.

"Sundin mo sana ang hiling ni tita. Mahiya ka naman na e-turn down ang gusto niya. Ina mo siya pero siya pa ang nagmamakaawa sa oras mo." Sabi ko kay John saka bumaling kay tita, "Pasensya na po. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi magsalita dahil feeling ko kailangan ko kayong protektahan."

Ngumiti sakin si tita saka hinawakan ang braso ko. "Okay lang, hija. I'm happy knowing you are concern about me."

"Mahalaga po sakin ang pamilya. Lalo na ang mga nanay. Hindi ko po kayang nakikitang nalulungkot ang isang ina. Kaya medyo naging sensitive po ako sa nakita ko kaya hindi ko napigilan. Pasensya na po."

Napailing si John. "Fine. I'll stay tonight."

Agad napabaling kami sa kanya. Tuwang napalundag si tita saka niyakap si John,
"Thank you, anak. Thank you!!" Humalik siya sa pisngi ng anak.

"You're welcome, mom." Alanganin siyang napangiti saka tumingin sakin na may nanlilisik na mga mata. Umiwas ako agad ng tingin dahil don.

"I'll go upstairs and change then I'll bring your favorite drink in your room, okay? Let's watch a movie before you sleep, anak."

"Okay, mom."

Napansin kong umakyat na si tita kaya naman umakyat na din ako. Sa pag akyat ko ay napansin ko na umakyat din siya. Hindi naman niya siguro ako sinusundan diba? Hindi naman siguro kasi sa taas din naman ang kwarto niya kaya din siya aakyat. Ang OA ko na minsan mag isip. Napailing nalang ako at dumiretso sa kwarto. Akmang isasara ko na ang pinto nung hinarang iyon ni John.

Bumalik ang kaba na naramdaman ko kanina. Hinayaan ko siyang itulak pabukas ang pinto at napaatras nalang ako.

"Bakit mo ko sinundan?"

Napalundag ang puso ko nung sinarado niya ang pinto sa likod niya. Pilit kong hindi ipakita sa kanya na kinakabahan ako.

"Hindi ko akalain na nangingialam kana ngayon. You made me feel embarrassed in front of my mom. Yun ba ang plano mo? Ang palabasin akong masamang anak sa mommy ko para ikaw ang bida sa kanila??"

Napakunot ang noo ko. Hindi yun ang intention ko. Wala akong iniisip na ganun. Sana pinigilan ko nalang ang makialam kung ito naman pala ang iisipin niya tungkol sakin. Tinikom ko nalang sana ang bibig ko.

"Wala akong ganyang plano. Sinabi ko lang yun dahil hindi kaya ng puso ka na nakikitang malungkot si tita at nangungulila sa anak niya. Alam kong hindi mo maintindihan ito ngayon pero pag naging ama kana, maiintindihan mo ang ibig kong sabihin. "

Playful John (Barkada Series 2)Where stories live. Discover now