Chapter 24: Awkard Situation

22.7K 707 148
                                        


Tahimik akong nakaupo habang nakatingin sa mga ulap sa labas. Nawala ang concentration ko nung nakarinig ako ng mahinang hilik. Liningon ko ang katabi ko sa eroplano. Mukhang mahimbing siyang natutulog.

Pano siya nakakatulog sa ganitong ka awkward na situation?

Simula umalis siya sa mansion, bihira ko nalang siya makita. Siya nalang kasi ang minimentor ni Miss Joyce ngayon dahil meron na akong nakatambak na gawain na kailangan kong unahin. Malapit narin kasi ang yearly reports kaya abala ako doon. Pabor sa akin yun para hindi kami magkita dahil siguradong maiilang lang kami sa isa't-isa.

Two days ago tinanong ako ni Tito Dino kung gusto ko pa bang tumuloy. I'm sure aware siya sa situation namin ni John kaya niya natanong yun. Sinabi kong tuloy ako dahil hindi naman pwedeng mahaluan ng personal na buhay ang trabaho ko. Isa pa, nakapangako na ako kay tito na sasama ako sa seminar na to.

Hindi ko alam pano ko kakayanin na makasama siya sa isang linggo. Dito palang nga sa eroplano na magkatabi kami ay hindi ko na siya kayang lingunin. Kahit nga ang gumalaw ay ayoko lalo na nasa tabi lang siya. Hindi ko kasi alam na pati sa seats ay magkatabi kami. Nagulat lang ako kanina nung dumating siya at naupo sa tabi ko. Nag tanong siya kung okay lang tumabi, tango lang ang naging sagot ko. After nun, hindi na kami nag usap. Hindi naman siya manhid para hindi maramdaman na ayoko siya makausap. Mabuti naman at naging sensitive na siya sa nararamdaman ko.

Nung gumalaw siya ay mabilis kong binalik ang tingin ko sa bintana. Ilang minuto akong nakiramdam hanggang sa narinig ko ulit ang hilik niya. Mahina lang yun kaya parang hindi nakakabother pakinggan.

Napailing ako. Kahit kailan at kahit saan talaga nakakatulog siya ng mabilis.

Nung lumapag na ang eroplano sa Mactan airport, nagising na din siya. Hindi ko siya ginising. Siya na mismo ang kusang nagising. Pagbaba ng eroplano ay inabangan ko agad ang gamit ko sa carousel. Nakita ko siya na nag aabang din sa kabilang gilid. Umiwas ako ng tingin nung tumingin siya sa gawi ko. Sakto na nakita ko na ang maliit na luggage ko kaya kinuha ko agad ito pagdating sa harapan ko.

Dumiretso akong naglakad palabas. Naalala ko ang sabi ni Tito Dino na may susundo sa amin pagdating sa airport ng Cebu. Hinanap ko ito.

"The driver is there."

Nagulat ako nung biglang nagsalita si John sa tabi ko saka inagaw sa akin ang maletang dala ko sabay naglakad papalayo.

"John, akin na." Tawag ko sa kanya habang sinusundan siya.

Parang wala lang siyang narinig dahil todo hila parin ng maleta ko. Hanggang sa tumigil siya sa harap ng isang kotseng black na Volkswagen at saka may lalakeng lumapit sa kanya.

"Sir John Francisco?"

"Yeah." Sagot niya sa lalaki saka tinulungan itong ilagay ang gamit namin sa trunk ng kotse.

Nung pasakay na sana siya ay nilingon niya ako, "I will sit on the backseat. Ikaw na ang maupo sa harapan." Sabi niya saka sumakay.

Wala akong nagawa kundi ang maupo sa harapan. Mabuti nalang hindi ko siya katabi. Ngumiti ako sa driver na maghahatid sa amin sa resort kung saan kami mamamalagi for a week. Siguro mga dalawang oras ang layo nito from the airport.

Kausap ni John ang driver habang nasa byahe habang ako naman ay nakikinig lang sa usapan nila. Wala naman kasi akong sasabihin.

Pagdating sa resort ay nauna na si John bumaba at nakita kong binaba din niya ang mga gamit namin.

"Ako na." Awat ko sa kanya nung akmang dadalhin na naman niya ang maleta ko.

Mabuti nalang hinayaan niya ako at binigay ang maleta ko sa akin. Pumunta siya sa driver at may inabot dito na sa tingin ko ay ilang libong pera din yon. Akala ko ba madamot to? Bakit binigyan niya ng ganun kalaking tip ang driver na sobra-sobra pa sa bayad  namin?

Playful John (Barkada Series 2)Where stories live. Discover now