Chapter 15: Proving Sincerity

24.2K 666 104
                                        


"Salamat, hijo, sa pag hatid samin. Babalik kana ba ng Manila?"

Kakahatid lang samin ni John sa bahay mula sa hospital. Nakalabas na si Nanay at nag volunteer siya na ihatid kami. Pumayag narin ako dahil nagpumilit siya.

"It's getting dark. Maybe I'll just find a hotel to stay in tonight." Sabi nito.

Agad nagsalita si nanay, "Nako malayo pa ang hotel dito sa amin, hijo. Kung hindi ka naman pala uuwi, aba dito kanalang matulog samin nang makapagpahinga kana."

Nagulat ako sa sinabi ni nanay, "Nay." Biglang tawag ko sa kanya. "Baka hindi siya sanay sa maliit na bahay o kaya sa hindi malambot na higaan. Mas lalo siyang hindi makapag pahinga ng maayos."

"Ganun ba?" Sabi niya sabay baling kay John. "Hindi kaba sanay sa ganun, hijo? Sayang hindi man lang kami makabawi sayo sa mga tulong mo sa amin. Ipagluluto pa sana kita ng masarap na pagkain kung dito ka matutulog sa amin." Nakangiting sabi ni nanay sakanya.

"Hindi naman po ako mapili, tita. I can sleep anywhere kahit sa sahig pa."

Napakunot ang noo ko. Si John matutulog sa sahig? Baka naalog na ang utak niya. Hindi ako naniniwala na kaya niya. Buong buhay niya ay maginhawa at comfortable ang buhay niya.

"Yun naman pala eh." Masayang sabi ni nanay. "Halikana sa loob ng mapag handa ko na kayo ng hapunan."

Agad na pumasok si nanay kaya sinundan namin siya. Akmang magluluto na si nanay pero pinigilan ko siya, "Ako na ho ang magluluto. Kakagaling niyo lang sa hospital. Sabi ng doctor hindi kayo pwedeng mapagod."

"Pero gusto kong ipagluto ang anak nina Sir Dino at Maam Penelope. Kahit sa ganitong paraan man lang ako makapagpasalamat sa kanila. Ang asikasuhin ang anak nila."

Sasagot na sana ako nung nagsalita si John. Nasa likod ko pala ito.

"If you both don't mind, can I cook for all of us? So you can rest, tita." Tapos sakin naman siya bumaling. "So you can rest too or take care of your mom."

Napanganga ako, "Marunong ka?"

"Of course." Natatawang sagot niya na parang na insulto. "I moved out, and I live by my own for five years. Natuto din naman akong magluto."

Nagtinginan kami ni nanay. Pareho kaming nagulat. Hindi alam kung papayag ba kami o hindi. Pero nakakahiya naman kung hindi namin siya pagbibigyan para mapatunayan niya ang sarili niya na marunong talaga siya.

"S-Sige, hijo. Ikaw ang bahala."

Ngumiti siya kay nanay, "Thank you po." Saka bumaling sakin, "Take your mom to her room, so she can rest. I'll call you when I'm done cooking."

Gulat, nagtataka at napapatango nalang ako dahil hindi parin ako makapaniwala. Inalalayan ko si nanay papunta sa kwarto niya habang panaka naka akong lumilingon kay John na ngayon ay naghahanda na ng lulutuin sa kusina. Mukha naman siyang seryoso sa gagawin pero bakit kinakabahan ako sa kakalabasan? Marunong ba talaga siyang magluto?

Anong nag udyok sa kanya na magluto?
Wala naman siya kailangan patunayan. Hindi parin ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari ngayong araw. Parang ibang John ang kasama ko ngayon. Malayo sa kilala ko noon. Hindi ko akalain na kaya niyang magbago sa isang iglap lang. Pero bakit niya ginagawa to?

"Anak, nagluluto ba talaga yun?" Nag aalalang tanong agad ni nanay pagkapasok namin sa kwarto niya at pagkasarado ng pinto.

Kumibit balikat ako, "Hindi ko nga rin po alam. Nagulat din ako."

"Pano pag hindi masarap? Sayang ang pagkain pag itatapon lang. Eh di mapipilitan tayong kainin ito kahit hindi natin gusto. Sasakit ang mga tiyan natin pag nagkataon."

Playful John (Barkada Series 2)Where stories live. Discover now