Chapter 10: No Response

23.7K 674 97
                                        


Kakadating ko lang ng bahay galing airport at sinalubong ako agad ni Tito Dino at Tita Penelope sa sala.

"Welcome back!" Bati nila pareho na nakangiti.

Lumapit ako sa kanila dahil nakalahad ang mga kamay nila senyales na yumakap. Niyakap nila ako pagkalapit ko sabay sabi ni tita, "Congratulations, Patricia. I am so proud of you."

Humiwalay ako saka nginitian siya, "Thank you po. Hindi ko din inaasahan na peperma agad si Mr Takashi. Sinwerte po ata ako."

"No, it wasn't luck. It was because you're talented and smart. I was right about sending you on my behalf." Sabi ni tito.

"Salamat po sa pagtitiwala sa akin. Dahil po sainyo kaya nadagdagan na naman ang experience ko."

Ngumiti si Tito Dino, "You deserve it. Anyways, dinner is ready. Nagluto ang tita mo dahil alam niyang babalik ka ngayon."

"Talaga po?" Sabay baling ko kay tita.

Tumango siya saka yinakap ang isang kamay niya sa bewang ko sabay lakad namin papunta sa dining nila, "Three days ka kasing nasa Japan. Baka na miss mo agad ang ulam dito."

"Sobra po lalo na yung luto ninyo." Sagot ko na kinatawa niya.

Kasabay ng pag upo namin ay ang pag serve naman ng mga ulam ng mga maids nina tita. Akmang susubo na ako ng pagkain nung natigilan ako dahil sa may dumating.

"Hello!"

Napatingin ako kung sino.

"Mom." Sabay halik sa pisngi ni tita. "Dad." Sabay mahinang tapik niya sa likod ng daddy niya at umupo sa pwesto niya.

"I didn't know you are going to be here, son. I thought sa condo ka tonight?"

Bakit nakangiti siya mula nung dumating siya? Anong meron at sobrang saya niya ata? Baka naka score na naman ito sa babae.

"Dad, di pwedeng magbago ng isip?" Sabay mahina niyang tawa at saka bumaling sa akin na kinagulat ko ang biglang pagtagpo ng tingin namin. "Besides, boring don. Mas mabuti dito muna ako kasi may ikwekwento si Patricia sa atin tungkol sa date niya."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya lalo na sa pag ngisi niya sa akin. Parang may laman iyong ngisi niya.

Napakunot ang noo na tanong ni tito kay John, "Date?" Sabay tingin sa akin.

"Yes, dad. Alam niyo ba na ang iba jan, nag date sa Japan. May nauto ata siyang hapon. Tingnan mo nga naman, mas mabilis kapa pala sakin eh." Sabay tawa niya.

Napatingin sina tito at tita sa akin.

Ang sarap sabunutan ni John. Si Mr Takashi siguro ang tinutukoy niya. Hindi na ako nagtataka kung anu-ano ang nasa isip niya nung makita ang pictures. Eh ang dumi din kasi ng utak niyan. Green minded pa.

"Pinasyal lang ako ni Mr Takashi. Hindi yun date." Sagot ko.

"Susss ganun narin yun." Sagot niya sabay subo ng pagkain. "Iba ka talaga pumili, mayaman." Sabay subo niya ulit pagkatapos ngumisi sa akin ng makahulugan.

Napakunot lalo ang noo ko.

Anong ibig niyang sabihin don? Pinapalabas niya ba na mukha akong pera?

"Walang ginastos si Mr Takashi sakin, John. Ako yung nagbayad lahat ng akin kahit pinilit niya pa na siya." Sagot ko sa kanya. Inunahan ko na dahil hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang punto niya.

"Really??" Sarcastic na tanong nito. "Did you enjoy the perks of dating him?"

Sasagot na sana ako nung naunahan ako ni Tita Penelope.

Playful John (Barkada Series 2)Where stories live. Discover now