Nandito ako sa pantry kumakain ng lunch kasama ang mga ka-trabaho ko."Grabe, ang gwapo pala nung anak ni Sir Dino." Natigilan ako nung narinig ang sinabi ng isang empleyado. Medyo mahina lang naman ito pero naririnig ko dahil tahimik dito sa loob.
Pag narinig ni John ito, siguradong lalaki na naman ang tenga nun.
"Oo nga. Akalain mong dito na pala siya magta-trabaho? Eh di araw-araw na natin siyang makikita."
"Tama ka jan. Pero dinig ko hindi naman daw yan mahilig sa business tulad nito. Ano kaya ang nakapag pabago ng isip niya?"
Tahimik akong nakikinig habang kumakain. Gusto ko kasing marinig ang sasabihin nila.
"Eh malay mo nagbago ang isip saka nag iisang anak lang naman siya kaya siya talaga ang magmamana nitong companya. Alangan naman na mapunta lang sa iba jan na hindi naman kadugo talaga."
Natigilan ako. Nagpaparinig ba sila? Hindi naman siguro. Tama naman ang sinabi nila. Sa lahat ng tao sa mundo, si John talaga ang mas may karapatan na magmana nitong negosyo ng daddy niya.
Nagpatuloy ako sa pagsubo.
"Tama ka. May nagmamagaling kasi. Na threatened siguro sa isa jan kaya ayun nagbalak na mag trabaho na dito. Baka maagaw pa sa kanya ang pinaghirapan ng mga magulang niya." Sabay tawa niya.
"Totoo yan. Fresh graduate at walang ka expe-experience tapos mataas na agad ang position na binigay sa kanya samantalang tayo nasa mababang posisyon parin. Iba talaga pag magaling sumipsip sa boss. Iba din talaga kaya siguro na alerto ang anak ni Sir Dino kaya pumasok narin dito."
Doon na ako natigilan. Ayoko isipin na ako ang pinaparinggan nila. Pero I have heard clues na ako ang tinutukoy nila.
Fresh graduate
Mataas na posisyonSino pa ba ang nag iisang empleyado na nandito sa kompanya na ganun? Eh walang iba kundi ako. Hindi ko akalain na may nag iisip pala ng ganun sa akin. Akala ko okay ako sa lahat dito. Mababait kasi sila sakin. Pero hindi ko akalain na may tinatago din pala silang ganyang pag iisip tungkol sa akin.
Dahan-dahan ko silang nilingon at nakita ko ang mga itsura nila. Nagbu-bulungan pa tapos nagtatawanan. Gusto ko silang comprontahin para linawin ang tingin nila sakin. Hindi pwedeng ganito. Sa iisang department lang kami tapos may ganito palang issue sakin.
Hindi naman kasi totoo na sumipsip ako. Sina tito ang nag offer sa akin ng ganung posisyon. Humindi nga ako sa umpisa dahil sobrang malaking responsibilidad agad yun pero pinilit niya ako na yun ang trabaho ko.
Akmang tatayo na ako para puntahan sila nung bumukas ang pinto na kinagulat ko.
Pumasok doon si John na nilibot ang paningin at nung tumama ang paningin sa akin, "Patpat!" Tawag niya saka siya lumapit. Pagkalapit niya ay inangat niya ang dalang paper bag para ipakita sakin.
"I ordered food for two."
Napansin ko na tumahimik lahat pati na ang dalawang nagchi-chismisan kanina.
Mas lalo akong nagtaka nung umupo siya sa mesa kung asan ako at nilabas ang mga laman ng paper bag niya at mga pagkain nga ang lamqn nito.
"D-Dito ka kakain?" Nagtatakang tanong ko.
Ngumiti siya sa akin, "Yeah. Pwede ba makisabay sayong kumain?"
Nilingon ko ang mga kasamahan ko dito sa pantry. Lahat sila nakatingin sa amin. Hindi ko alam kung dahil nagulat sila na dito kakain si John o dahil nga ako ang pinag chismisan nila kanina. Kahit alin pa doon, naiilang ako sa tingin nila. Pero hindi naman ako pwedeng humindi kay John lalo na hindi ko naman pag mamay-ari tong mesa.

YOU ARE READING
Playful John (Barkada Series 2)
General FictionThe sequel of My Aloof Husband. John hates Patricia a lot because his parents give her too much attention. He also hates her because she never learned to look at him as a man. For her, he's playful, arrogant and a playboy while she's smart, hard-wo...