Chapter 26: Change of Air

22.5K 544 90
                                        


Nagulat ako nung paglabas ko ng cabin ay may nakatayong lalake sa harapan. Napansin niya na lumabas na ako kaya humarap saiya sakin.

"I am just checking if you're fine." Agad na paliwanag niya.

Napatango ako, "Okay na ako. Salamat."

Tumango siya at hindi na nagsalita.

Sinarado ko na ang pinto saka nagsimula ng maglakad. Nung mapansin ko na hindi siya nakasunod ay nilingon ko siya, "Hindi kapa ba aalis? Magsisimula na ang seminar. Tara na."

Kita ko kung pano siya nagulat sa sinabi ko. Parang nakarinig siya ng kakaiba sa sinabi ko o kaya hindi kapani-paniwala.

"John." Tawag ko na kinatingin niya sa akin. "Ano na? Tara na." Sabi ko.

Tumango siya saka mabilis naglakad papunta sa akin, "Okay lang sumabay sayo?" Nagtatakang tanong pa niya.

Tumango ako, "Oo naman."

Biglang sumilay ang malapad na ngiti sa labi niya, "Okay! Tara na." Excited na sabi niya at hinawakan ang braso ko saka marahang hinila papunta sa tabi niya para sabay kaming maglakad. Nakangiti siya habang patingin-tingin sa akin. Napailing nalang akong diniretso ang tingin sa harap dahil naiilang ako makitang nakatingin at nakangiti siya sakin.

Simula nung nangyari kahapon, naging magaan ang loob ko sa kanya. Simula kasi nung umamin siya, feeling ko hindi na kami magiging okay. Parang dun ko nasabi na wala ng pag asang magiging magkaibigan kami. Lalo na at hindi pantay ang nararamdaman namin sa isa't-isa. Pero matapos nung nangyari kahapon, don ko na realize na mali ako na iniiwasan ko si John. Nagmahal lang naman siya. Gaya ng sabi niya, hindi niya ginusto o pinlano yun. Feeling ko naging unfair ako sa kanya. Lalo na lahat ginagawa niya para magustuhan ko siya. Yung tipo na kahit buhay niya ay kaya niyang isakripisyo para sakin.

Yun ang nararamdaman ko sa ginawang pag sagip sakin ni John. Doon ko na realize na bakit ko ba siya iniiwasan, eh pwede ko namang hayaan siya at ang sarili ko na maging okay kami sa isa't-isa kahit alam kong may gusto siya sakin. Mas magaan sa pakiramdam na wala akong iniiwasang tao. Kumbaga you gave yourself a favor to be happy tapos hindi mo pa nasasaktan ang taong nagmamahal sayo dahil sa hindi pag iwas mo. Naisip ko kasi pag iiwasan din ako ng taong mamahalin ko, baka hindi ko rin mapigilan na hindi masaktan.

Ngayon ko lang na realize na sa pag iwas ko sa kanya ay para naring katumbas yun ng isang rejection. At alam kong masakit sa damdamin ang ma reject lalo ng mahal mo.

Isa pa sa nagpabago ng isip ko ay yung pag uusap namin kagabi. Yung pagkatapos kasi sa clinic ay dumiretso kami sa cabin. Bago ako pumasok sa kwarto ko ay tinanong ko muna siya tungkol sa gumugulo sa isip ko.

"John." Tawag ko sa kanya nung akmang papasok na siya sa kwarto niyang katabi lang nung kwarto ko.

Liningon niya ako na walang reaksyon.

"M—May itatanong lang sana ako s—sayo." Naiilang na sabi ko at parang hindi mapakali ang mga mata ko kung titingnan ba siya o hindi. Ewan ko ba ba't nahihiya ako.

"Ano yun?" Agad na tanong niya.

Napalunok ako ng laway dahil sa hindi ko kayang sabihin ito ng nakatingin siya kaya umiwas ako ng tingin at napayakap sa mga braso ko, "Gusto ko lang malaman kung... kung bakit ka nandon sa lagoon?"

Ilang segundo kong hinintay ang magiging sagot niya. Hindi kasi siya nakaimik agad.

Hinarap ko siya at akmang magsasalita na sana ako nung bigla din siyang sumagot, "I followed you."

Playful John (Barkada Series 2)Where stories live. Discover now