Patricia's POV"Dito na ako, kuya." Sabi ko sa company driver. Nagpahatid na kasi ako sa bahay na inuupahan ko. Galing kasi kami ni Lady sa mga branch around Manila kaya dumiretso nalang kaming umuwi dahil late na.
"Ingat kayo, maam," sabi ni Lady.
"Salamat. Kayo din ingat," sabi ko sa kanya pati na din sa driver.
Nung bumaba na ako ng van, naglakad na ako papunta ng bahay. Sobrang pagod ako dahil sa kakalakad buong araw. Gusto ko nalang umuwi at mahiga. Binilisan ko ang lakad para makauwi na agad ako pero napatigil ako nung may tumawag ng pangalan ko. Liningon ko ito at nakitang may kumakaway.
"Renz?" Takang tanong ko. Medyo madilim na kasi kaya hindi ko maaninag kung sino.
"Hintayin mo ko, Pat. Wait lang," sigaw niya saka bumaling sa tindera ng barbecue. Nakita kong nag abot siya ng bayad saka naglakad palapit sakin dala ang binili niyang pagkain. "Kakauwi mo lang ah. Busy sa work?" Tanong niya.
Napatango ako saka bumaling sa bitbit niya. "Yan ang hapunan mo?" Tukoy ko sa barbecue na baboy na nakabalot sa papel. Napansin kong nadadalas ata siyang kumakain ng ganyan.
"Oo. Nakakatamad kasi minsan magluto. Ikaw kumain kana ba?"
Umiling ako. "Hindi pa ako nagugutom. Late na kasi ako nag lunch kanina," sabi ko saka nag umpisa na kaming maglakad.
"Sus, gugutumin ka nyan maya-maya. Ito sayo na to." Sabay abot niya ng iilang inihaw na baboy.
Umiling ako, "Wag na. Sayo yan eh."
"Dinamihan ko talaga para sayo ang iba. Alam ko kasing gagabihin kana kaya sige na tanggapin mo na." Pagpupumilit niya saka nilagay pa sa kamay ko ang stick nun. Wala akong nagawa kundi tanggapin nalang.
"Salamat," sabi ko saka sinubo na yun. Nagkwentuhan kami habang naglalakad pauwi sa mga bahay na tinitirahan namin. Ang sigla kausap ni Renz parang hindi siya napagod sa buong araw.
"Ikaw ba? Anong maganda sa araw mo?" Tanong niya sa akin.
Nginuya ko ang barbecue na kakasubo ko lang saka nilunok iyon bago sumagot, "Ah, okay naman—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko kasi bigla niyang pinunasan ang pisngi ko sabay tawa.
"Ang dungis mo parin kumain." Natatawang sabi niya.
Pinunasan ko rin ang pisngi ko gamit ang sarili kong kamay, "Sorry. Meron pa ba?"
Natatawa siyang napapailing, "Meron pa. Wait, ako na." Uunahan ko na sana siya pero nauna siyang nag angat ng kamay niya saka pinunasan ang natirang dumi sa gilid ng labi ko.
Tumango ako saka nginitian narin siya. Ang komportable parin namin sa isa't-isa parang gaya parin ng dati. Ilang taon din kasi kaming magkakilala sa probinsya kaya naging close kami.
"Ayan, wala na."
"Salamat, Renz. Hindi kaparin nagbabago. Ang bait mo parin." Sabi ko.
Ngumiti siya, "Syempre kaibigan kita eh," sabi niya saka napatawa ng konti. Parang hindi ko lang siya binusted dati. Ang gaan parin niya kasama. Wala siyang kinimkim na sama ng loob sakin na kinatuwa ko.
Ilang hakbang pa nung napatigil agad ako dahil nakuha ng pansin ko ang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan at nakapamulsa. Nakatayo siya sa harapan ng bahay na tinutuluyan ko. Napansin ko din ang sama ng tingin niya sa akin or mas mabuting sabihin na, sa amin ni Renz.
Imbis na magtaka kung bakit siya nandito ay bigla akong nakaramdam ng pangungulila. Ilang linggo ko kasi siyang hindi nakita kaya feeling ko parang miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang takbuhin at yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko dahil sa galit na aura niya na nakikita ko ngayon.

YOU ARE READING
Playful John (Barkada Series 2)
General FictionThe sequel of My Aloof Husband. John hates Patricia a lot because his parents give her too much attention. He also hates her because she never learned to look at him as a man. For her, he's playful, arrogant and a playboy while she's smart, hard-wo...