Chapter Five

6.4K 135 7
                                    

"ALBIE," makailang tapik sa kanya ni Jelly hanggang sa marinig niya ang panggigising nito.

Minulat ni Albie ang mga mata at napalingon sa nakaupo sa tabi ng kinahihigaan niyang papag sa silid sa boarding house ng mga staff ng Cool Waves. Kanya-kanya sila roon ng kwarto pero masyadong maliit, tama lang ang laki para sa isang maliit na papag at cabinet. Nung nawalan siya ng malay kanina, dinala agad siya nila Russian Daddeh sa receptionist. Akala kasi ng mga ito, may clinic sa resort at madadala sila roon ng isa sa mga receptionist. Inabisuhan lang ang mga ito na dalhin siya sa boarding house at in-applyan lang ng yelo ang balls niya para hindi mamaga.

Una siyang nagising na si Jelly ang kasama at kinuwento ang mga iyon kay Albie. Pagkatapos, nakatulog ulit siya na may ice pack sa kandungan. Buti at off ni Jelly kaya ito na lang ang nagtanggal ng ice pack niya.

At heto, nagising siya ulit para sa kanyang mga bisita.

Russian Daddeh? pangingilala niya sa lalaki na blond ang buhok.

He was stiff in his position and turned to him upon seeing Albie sit up. May damit na ngayon ang lalaki, yakap sa malaking katawan nito ang tela ng puting turtle neck. Humahapit din sa mga binti nito ang itim na jeans.

"Oh my God," Albie gasped. "H-Hello."

Walang mababakas na anumang emosyon sa mukha ng lalaki. Kinabahan tuloy siya. Paano ito napunta sa kwarto niya? Paano nito nalaman kung nasaan ang boarding house nila?

Nag-angat siya ng tingin at nakitang nakatayo sa paanan ng kama niya si Jelly, isa sa mga kasama niya sa housekeeping. Nasa loob din ng silid, katabi ng pinto, ang mga kasamahan ni Russian Daddeh— 'yung magandang babae at bata na si Nikolai. Nikolai was hugging his tablet. Olivia stood behind the kid, holding Nikolai on his shoulders.

"A-Anong meron?" lingon niya kay Jelly.

"Gusto ka nilang bisitahin eh," anito. "Ikaw na ang kumausap at magdudugo ang ilong ko sa kanila."

Pabirong pinaningkitan niya ng mga mata ang kaibigan, bago maarteng nilingon si Russian Daddeh.

"Why did you visit me?"

"We just came to check on you," direktang sagot ng lalaki. "Just to make sure you're doing fine after what happened to your groin."

Akala naman ni Albie, ang haba ng buhok niya. May pa-air hair tuck pa siyang nalalaman at pangiti-ngiti.

"Grabe, masyado siyang concerned sa etits ko," bulong niya sa sarili at nahuling pinanlakihan siya ng mga mata ni Jelly.

"I'm fine, Sir," lingon ulit niya sa lalaki.

"Really? Because you fainted earlier."

How could this man look so relaxed? Siguro naman, nag-alala ito para sa kanya kaya bumisita, 'di ba? Pero parang hindi iyon mababakas sa mukha nito.

Alanganin siyang tumawa. "I am, ano, dizzy, very dizzy. But I am okay na. I am super okay."

Tumango-tango ito at may inabot na maliit na paperbag sa kanya. Kumunot ang noo ni Albie dahil nakatatak sa bag ang sikat na brand ng mga damit. Nag-aalangan na tinanggap niya iyon.

"Wow," lapag niya sa bag sa tabi ng kanyang hita bago binalik ang tingin kay Russian Daddeh. "Ikaw ha?" ngiti niya. "Don't worry, apology accepted."

Sumama bigla ang timpla ng mukha nito. Tumapang ang titig sa kanya.

"I am not fucking apologizing," he gritted. "If you did not block the way, you won't get your injury!"

A Man of His WordWhere stories live. Discover now