Chapter Forty-Six

2.1K 51 2
                                    

"I WAS IN MOSCOW," panimula ni Boris ng pagkukwento bago naging tuloy-tuloy iyon habang binabalikan kung ano ang tanda ng kanyang alaala.

Siya at ang karelasyon niya nung mga panahong iyon, si Joachim, ay nakaupo sa isang café. Magkatapat ang mga upuan nila at maingat ang mga kilos. Hindi naman kasi nila gugustuhing may makahalata sa kanila, 'di ba?

Nasa tabi nila ang salaming pader, kaya malayang humaplos sa gilid ng kanilang mga mukha ang malamlam na sinag ng araw. Kahit halos araw-araw na nakikita ni Boris kung gaano katigas at kakisig ang katawan niya, hindi pa rin iyon dahilan para hindi siya mamangha sa pigura ni Joachim.

Nagkakilala sila ni Joachim sa isang telecom company. Nasa magkahiwalay na department sila dahil kada department ay may nakatoka na IT specialist. Gayunpaman, hindi niyon napigilan ang paminsan-minsan nilang pagkikita. Kadalasan, si Joachim ang naghahanap sa kanya, magpapatulong kapag may hindi ma-troubleshoot ng maayos.

Yeah, right. Until they came to the point that they got themselves into this troubleshoot. One shoot after another. And another. And another, and they were already knee deep in this trouble.

They were already in love.

Mahirap paniwalaan sa simula. Kahit si Boris, tiningnan ang ugnayan nila na sekswal lamang. Pero mahirap ang hindi mapamahal kay Joachim. Joachim and his lively nature brought life to his quiet one. Sa sobrang miserable ng naging buhay niya, si Joachim pa lamang ang nage-effort na magpasaya sa kanya... ang magpatawa.

At huminto na doon si Boris sa pagkukwento.

"Paano kayo nagkahiwalay?" usig sa kanya ni Albie nang mamayani ng ilang minuto ang katahimikan sa silid.

Pumihit siya mula sa pagkakahiga paharap dito.

Humawak siya sa pisngi nito, sa pangahan.

"I wanted a peaceful relationship," aniya. "Meanwhile, Joachim wants to migrate to US... to feel more liberated about him being gay."

"Bakit? Bawal ba sa Russian iyon?"

Nasa kalagitnaan ng pagtatanong si Albie nang pumailanlang ang ringtone ng cellphone nito. Boris tried to find the phone with his eyes but could not find it. He turned to Albie and gave him an encouraging look to answer the call first.

"Boris," giit nito na sagutin muna niya ang tanong nito.

"Your phone," pilit niya. "That must be your friends, so worried about you."

Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga bago bumangon ng kama. Tinaasan ni Boris ang mga unan bago muling humiga roon. Maging ang sariling mga braso ay inunan niya habang pinapanood ang pag-iikot ni Albie sa silid para hanapin ang shorts nito. He grinned watching him walk around stark naked.

His slender body... his fine ass. His cock dangling...

Nakagat niya ang pang-ibabang labi bago pinakawalan iyon.

Tumuwad si Albie para pulutin ang shorts nito. Pagkatapos, umupo ito sa isang silya at sinagot ang tawag sa hawak na cellphone.

"Georgia," anito bago natahimik para makinig sa kausap. "Ano ba, ayos lang ako." Silence again. "Kasama ko si Boris."

Nagpasya na siyang tumayo para salansanin ang nakakalat nilang mga damit. Nagtatanong ang mga mata ni Albie nang sundan siya ng tingin.

"Oo naman, ayos lang kami," salita ulit nito. "Hindi siya galit... Nagmamadali lang siya kaya, ano..."

.

A Man of His WordDonde viven las historias. Descúbrelo ahora