Chapter Thirty-Eight

2.6K 73 1
                                    

NAKASUOT NG PANTALON SI BORIS na tinernuhan ng fitting shirt na puti. Kasabay nito sa paglalakad si Albie na naka-denim na tokong shorts at v-neck na pink. Nagmamadali ang mga hakbang nila. Nakasanayan na rin ni Albie na may pagkendeng sa paglakad kaya napupuna iyon ng ilan sa mga nadadaanan nila.

Maraming mga bahay na magkabilaang nakatayo sa kalsada na iyon. Dahil gustong makasigurado ni Albie na walang magiging ideya ang ama sa tunay na sitwasyon, dinala niya si Boris sa isang children's playground na katabi lamang ng basketball court.

Children's playground talaga iyon na mayroong mga duyan, roundabout at padulasan. Kaya lang, hindi na dinadayo iyon ng mga bata dahil siguro hindi na nakaka-engganyo ang kulay pilak at kalawang na mga padulasan at duyan. Pinatigas na rin ng kalawang ang roundabout kaya hindi na mapaikot. Masyado ring maliit ang espasyo roon, sakto lamang para sa mga palaruan. Kaya kahit ang mga batang nagpa-patintero ay mas pipiliin pang tumambay sa basketball court at maghintay na matapos maglaro ang mga nagba-basketball doon tuwing umaga.

Luminga-linga sa paligid si Albie bago muling binalik ang tingin sa lalaki.

"Dito," turo niya sa roundabout na kahit kinakalawang at bakbak na ang pintura mukhang hindi pa naman iyon bibigay.

Maingat ang lalaki na umupo sa maalikabok na sahig ng roundabout. Umupo na rin si Albie. Nakapagitan sa kanila ang isang bakal na handle.

"Sooner or later," paliwanag niya kay Boris, "kukwestiyunin na ng mga kapitbahay kung ano ang relasyon nating dalawa." Inalis niya saglit ang tingin sa lalaki. "Ang sasabihin ko, customer ka ng Cool Waves na naging kaibigan ko. Tapos, na-scam ka kaya wala kang pera o passport pauwi ng Russia."

"I see that you have already planned it pretty well," seryosong saad nito.

Wala naman kasi sa naging usapan nila noong una na magpapanggap sila na may koneksyon o magkaano-ano. Basta ang usapan nila ni Boris, tutulungan siya nito na makauwi ng Manila kung tutulungan niya rin itong makaalis ng Zambales. Pagkatapos, bibigyan siya ng lalaki ng extra na pera dahil sa pag agrabyado sa kanya.

"Kailangan," napipikon niyang irap dito. "Matapos mo akong sabihan na wala ka nang pera. Ibig sabihin, tutulungan pa kitang maghanap ng trabaho."

"Ano'ng tingin mo?" gusot ng mukha nito. "I can't find a job on my own?"

"Oo," panlalaki niya ng mga mata rito. "Ano lang ba ang dala mo rito? Paano ka mag-apply nang walang mga requirements?"

Pinatong nito ang braso sa ibabaw ng handle na pumapagitan sa kanila.

"I'm sure there's some kind of job that hire without those."

"Oo," mataray niyang wika. "Mamasura ka diyan. Magpakilo ka sa junk shop, o 'di kaya mag-uling ka." Albie was getting frustrated. "Walang requirements doon na hihingiin pero paano ka makakaipon ng pera pauwi ng Russia at pambayad sa akin kung ganoong trabaho ang kukunin mo?"

Boris sighed. "I'll still take those jobs," matiim na titig ng grey nitong mga mata sa kanya. "That is to help you and your father with the daily expenses. Nakakahiya naman na kayo pa ang bibili ng kakainin ko. At pinatitira niyo ako, kaya tama lang na bilhan ko kayo ng pagkain na rin."

Tinaasan lang niya ito ng kilay. Hindi mapigilan ni Albie na mangilag at magtaray sa lalaki dahil sa mga nangyari... dahil sa mga pagsisinungaling at pagpapaasa na ginawa nito sa kanya. Tulad ngayon na pinaasa na naman siya nito na may pera pa ito. Na pagdating nila ng Manila, maghihiwalay din sila kaagad ng landas. Iyon pala, wala na pala itong natitira na pera. Ginastos nito ang natira sa kanilang pinamasahe at pinambili ng mga damit na gagamitin daw nito. Kasama na rin doon ang pagpapakulay sa blond nitong buhok ng itim.

A Man of His WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon