Chapter Twenty-Four

3.2K 71 2
                                    

NGINITIAN NI ALBIE ang tine-train niya na papalit sa kanya bilang housekeeper sa Cool Waves bago ito iniwanan para hayaan ito na i-apply ang tinuro niya na pag-aayos ng kama.

Nalingunan niya si Jelly na nagpupunas-punas na sa maliit na dining table roon. Nginitian siya ng kaibigan bago ito nag-focus ulit sa ginagawa. Unang araw pa lang ng tine-train niya pero mukhang okay naman ito sa mga gawaing maiiwan dito kapag humalili na sa kanya.

Albie watched the trainee— a girl— and smiled.

Sana magustuhan niya ang trabaho rito.

"Hoy," bulong sa kanya ni Jelly. "Kanina ka pa nakatitig diyan sa trainee, nagiging lalaki ka na ba?"

"Baliw," bulong niya rin dito, "siyempre, tinitingnan ko kung tama 'yung ginagawa niya."

"Asus, ang basic naman ng pag-aayos ng kama, no!" palihim na pag-usap pa rin nito sa kanya habang walang muwang ang trainee na sinasalansan na ang mga unan.

"Tse! Bumalik ka na nga sa trabaho mo!" natatawa niyang taboy kay Jelly.

"Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko kagabi," panunukso na naman nito. "Saan kayo napunta ni Russian Daddeh mo kagabi. Nalingat lang ako, paglingon ko, hindi ka na nakasunod sa akin sa boarding house!"

"Naku naman, nag-cr lang ako nun sa malapit sa kusina!"

"Hindi ako naniniwala!" ngisi lang nito sa kanya.

"Uhm... Albie," tawag sa kanya ng trainee na hindi malaman kung ima-ma'am o sir ba siya. "Okay na po ba ito?"

Pinasadahan ni Albie ng tingin ang kama at inunat lang ang kaunting gusot sa kumot na nilatag na rin doon ng trainee.

"Iyan!" masaya niyang palakpak. "Ayos! Ang dali-dali lang yata ng mga trabaho rito para sa iyo, eh!"

Nahihiyang ngumiti lang ito.

"Naku, girl, pasalamat ka magre-resign na iyan. Hindi mo araw-araw makakasama iyang bolerang baklang iyan!"

"Baliw ka, alam mo ba iyon?" ganti niya kay Jelly bago tinabihan ang trainee. "Naku, pagpasensyahan mo na ang etchoserang iyan. Halika rito at tuturuan naman kita magpunas-punas."

.

.

SAMANTALA, NASA KAMA SI BORIS AT NIKOLAI. Magkaharap silang nakaupo roon. Nag-uusap pa rin ang dalawa habang abala sa maliit na kitchen area si Olivia para ipaghanda sila ng makakain.

"Pero Papa," protesta sa kanya ng anak, "ayoko bumalik ng Russia nang hindi ka kasama!"

"Anak," titig lang niya rito, "kailangan mong mauna munang umuwi ng Russia at may mga kailangan lang akong asikasuhin dito."

"At ano naman? Wala naman dito ang trabaho mo, 'di ba?" lumapit si Nikolai para bumulong. "Isa pa, iiwanan mo ako kasama si Miss Olivia? Papa, pinapakialamanan niya ang mga gamit mo. Baka may kung ano siyang gawin sa akin!"

"Shh," saway niya sa anak at nagnakaw ng tingin kay Olivia na mukhang wala namang naririnig sa usapan nila. "Makinig ka, anak," bulong niya, "kung may balak sa iyong masama si Miss Olivia, matagal na niyang ginawa, noong iniiwan-iwan pa kita sa kanya."

Oo, isa iyon sa mga na-assess ni Boris sa sitwasyon nila ngayon bago nabuo ang pasya na magpapa-iwan siya sa Pilipinas.

"Natatakot ako, Papa," makaawa ng mga mata nito na hindi kayang tanggihan ni Boris.

A Man of His WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon