Chapter Forty-One

2.4K 69 1
                                    

NILINGON NI BORIS SI ALBIE. Kita niya ang sigla sa mga mata nito, gayundin ang tila umaasa na tingin sa amang si Mang Al. Tahimik lang na kumain ang matanda, ulam ang pinamili nilang litsong manok. Malinamnam ang sauce pero kailangan niyang tipirin dahil bitin ang binigay sa kanila, at mas gugustuhin niyang mas ma-enjoy ng mag-ama ang pagkain.

"I have good news, Mang Al," tutok niya ng mga mata sa matanda.

"Ano?" matabang nitong saad, ni hindi siya tinatapunan ng tingin.

He slightly smiled. "May trabaho na ako," maingat niyang wika at nagnakaw ng sulyap kay Albie para makita ang approval nito. Tumango lang ito kaya nakampante siya na tama ang pagkakabigkas niya sa mga sinabi.

"Mabuti," tuloy-tuloy lang ito sa pagkain.

Nung oras na ng pagtulog, tinuloy nila ni Albie ang pinag-uusapan bago pa makauwi kanina.

"Oh, basta," anito habang inaayos ang kanilang hihigaan, "kung kailangan mo ng tulong, si Nato agad ang lapitan mo." Nilatag na nito ang sapin na pinagpag. "Kapag sobrang emergency na talaga, nandito lang naman ako sa bahay para tulungan si Tatay."

"Aren't you going out to look for a job?"

"Kapag may maiiwan na rito sa bahay na makakasama ni Tatay, maghahanap ako," paliwanag ng binata. "Mahirap na kasing mag-isa lang si Tatay. Alam mo naman siguro ang kondisyon niya."

Naka-ekis lang ang braso ni Boris, nakasandal sa pader habang pinapanood ang pagkilos ni Albie. Nawiwili ang mga mata niya sa panonood sa binatang nag-aayos ng kanilang higaan. Nakikita niya na sobrang natural na rito ang pagiging maasikaso. A flicker of playfulness lit his silver eyes everytime Albie would happen to bend down. Naliligaw ang mga mata niya sa puwitan nito, tapos sasawayin ang sarili dahil sa pagiging malisyoso.

"Pero paalis-alis din naman ako. Malapit lang naman dito ang bahay ni Georgia kaya okay lang."

"That Georgia," pagtalim ng mga mata ni Boris. "Are you still going to that parade?"

"Oo," tipid nitong sagot na ngayo'y ang mga unan naman ang pinapalo-palo bago ilapag sa kama.

"Why do you have to participate?" taas niya ng kilay. "You don't have to prove through a parade about who you really are. You're gay and that's it. Why over-complicate things by joining a parade?"

"Alam mo," baling ng mga mata ni Albie sa kanya, "ako kasi, walang keme sa katawan."

"Keme?" he almost struggled in pronouncing the strange word.

"Ano... I... I am not a kill joy..."

"Oh, please," he groaned. "Don't tell me you're joining because that's what everybody does, Albie."

"Ano ba ang masama?" bahagyang pagtaas ng tono nito.

Natigilan sila nang mapansin na nakasilip na pala sa likod ng kurtinang pinto si Mang Al.

"Tatay," mabilis na tayo ni Albie.

Kinalas naman ni Boris ang pagkaka-ekis ng mga braso. Sumipa ang pagtataka sa kanyang dibdib nang huminto ang mga mata ng matanda sa kanya.

"Talk. Outside," ma-effort nitong pagi-Ingles para maunawaan niya.

Bumagsak ang mga balikat ni Albie, may kung anong pakiusap sa mga mata nito nung nilingon siya at sinulyapan. Mabilis na inalis ni Boris ang tingin sa mga mata ng binata at nilapitan si Mang Al.

"Sure," he murmured as he opened the curtain wider to accompany the older man.

Palihim na nagpakawala si Boris ng buntong-hininga dahil sa may pintuan na naman naisipan ng matanda na umupo para kausapin siya. Napipilitang tinabihan niya ito.

A Man of His WordWhere stories live. Discover now