Chapter Thirty-Nine

2.4K 68 2
                                    

"KAMUSTA KA NAMAN DIYAN, BORIS?" tanong ni Sloven mula sa video call.

Nasa computer shop na si Boris. Sa awa ng Diyos, may nahanap siya na bukas pa kahit alanganing oras na. Iyon nga lang, medyo natagalan siya sa paghihintay na may mabakanteng slot. Nagsisipag-tambayan kasi roon ang mga kabinataang nago-online games.

Maingay din ang mga ito kaya imbes na pasalita sumagot si Boris sa kausap, nagtitipa na lang siya sa chat. Naka-float naman ang video kaya pareho niyang nakikita ang chat box at video sa screen. Sinadya niyang liitan ang windows para wala masyadong nakakakita sa mga napapadaan o napapapwesto sa likuran ng kanyang upuan.

Ayos lang ako.

Umamo ang mukha ni Sloven. Makikita sa lalaki ang pag-unawa, ganoon na rin ang relief. He displayed a faint smile. Makikita sa likuran ng lalaki na nasa sarili itong kwarto.

Si Asja? tipa niya bago ini-send.

Kasama niya ang mga bata sa salas. Naga-almusal na sila.

Pwede ko bang makausap si Nikolai?

Ngumiti ito. Pero hindi abot sa mga mata. Oo naman!

Kumilos ito, saglit na nawala ang imahe at naglikot ang nakukuhanang video ng gadget na gamit ni Sloven. Narinig niya ang pagtawag nito kay Nikolai.

Sumulpot na ang mukha ng bata. Patay ang mga mata nito at bahagyang nakasimangot nang makita siya sa screen.

"Anak..." hindi niya mapigilang iusal iyon sa wikang Russian.

Nagbaba ito ng tingin, naghihintay na kausapin niya ito.

"Anak," mabilis niyang usal sa suot na mouthpiece, "basahin mo ang ita—type ko sa chat ha? Maingay dito eh."

Habang nagtitipa si Boris, sunod-sunod naman ang palatak ng mura ng mga player sa comshop na iyon. Karaniwang maririnig sa mga ito ang reklamo sa sobrang kupad daw ng internet connection at pagla-lag ng mga karakter.

Anak, kamusta ka na?

Tumingin si Nikolai sa screen. Ayos lang po ako. Dinala ako agad ni Bruno dito kina Sloven.

Pumapasok ka na rin ba ng school?

Oo, anito habang naglalakad patungo sa mas pribadong silid sa bahay na iyon. Umupo si Nikolai sa gilid ng kama at tumingin saglit sa paligid.

Hindi sana masama ang loob mo sa akin. Kinailangan ko lang siguraduhin ang kaligtasan mo, kaya kailangan muna natin magkalayo.

Hindi pa rin niyon napangiti ang bata.

Ayos lang, Papa, sagot nito. Hindi naman lingid sa akin ang sitwasyon natin. At mas ligtas ako rito kasama sina Sloven. Nagpadala ng security ang presidente para sa kanya.

Napamaang siya saglit. Pero ano pa nga ba ang nakakapagtaka roon? Niligtas ni Sloven Markov ang buhay ng pangulo ngayon ng Russia na si Liev pa rin.

At ang narinig ko, Papa, pagre-report ng bata, nagtatalo sila Sloven at ang representative ng presidente. Wala kasi silang balak na tulungan ka.

Pwede ba na kami na lang ni Sloven ang mag-usap tungkol diyan?

Nikolai nodded. Ibibigay ko na sa kanya itong tablet.

"Sandali," bulalas niya na pumigil sa bata sa tangkang pag-alis.

Papa?

"Huwag ka masyadong mag-alala sa akin, okay? Makakauwi ang Papa," pigil niya ang maluha habang sinasabi iyon nang nakatitig sa mukha ng bata sa screen.

A Man of His WordWhere stories live. Discover now