Chapter Fourteen

4.7K 104 10
                                    

THE DEAL was a second meeting. Mas late nga lang sila magkikita ngayon ni Boris. Ang paliwanag kasi ng lalaki, ayaw nitong mawalan ng oras para sa anak na si Nikolai. Dahil nabanggit na rin nito ang bata, nagtanong si Albie, out of curiosity, kung sino ang nanay ni Nikolai. Tinawanan lang siya ng lalaki bago kinalaro na ampon lang nito ang bata.

But I don't want him to know that. I want Nikolai to feel that he belongs with me as his father.

Napatitig na lang siya noon kay Boris at naalala ang sarili niyang ama. Medyo nalungkot lang si Albie dahil mukhang hindi ganoon ang tumatakbo sa isip ng kanyang Tatay. Nang malaman nito na bakla siya, pinaramdam ng ama na hindi siya nababagay sa pamamahay nito.

Gayunpaman, mapait na ngiti na lang ang ginawad niya kay Boris bago sinabi rito na nauunawaan niya ang kagustuhan nitong magkita sila ng mas late.

Alas-onse ang usapan nila at mga sampung minuto siyang na-late dahil nahirapan si Albie maghanap sa lalaki kung saang dalampasigan ba nito naisipang pumuwesto. Ang sabi lang kasi sa kanya ni Boris, sa tabing-dagat sila magkita at huwag na sa mga de-payong na table.

Aminado naman si Albie sa sarili na kahit ayaw niyang magpagalaw kay Boris, attracted pa rin siya sa lalaki. Kaya ayos lang sa kanya na magkita ulit sila. Pero siyempre, medyo may pagkailang pa rin siyang nadarama. Para siyang high school teen na pinansin na sa wakas ng crush niya pero nahihiya pa rin dito. Isa pa, hindi pa rin alam ni Albie kung paano kakausapin si Boris tungkol sa sex na gusto nitong mangyari sa kanila.

Open-minded naman kasi siya. Aware siya na kung anuman ang mamagitan sa kanila, huwag na siyang umasa na seseryosohin ni Boris o ng kung sino mang lalaki na dumating sa buhay niya. Tanggap man ngayon ang third sex, alam naman niyang mahirap pa rin para sa mga katulad niya ang makahanap ng tao na totoong magmamahal sa kanya.

So, if Boris just wanted to have fun, well sure. Game siya. Pwede sila mag-enjoy. Pero ibang usapan na ang sex...

Huminto si Albie sa paglakad nang matanaw ang lalaki na nakaupo sa buhanginan malapit sa area ng beach na may volleyball net. Sumaglit ang mga mata ni Albie sa sarili. Shorts lang ang suot niya at fitting na striped-shirt na pink.

Okay, relax, hinga niya ng malalim bago nilapitan ang lalaki na nakatalikod sa kanya mula sa pagkakaupo nito sa buhangin.

Dahan-dahan lang siya sa paglakad para hindi nito mapansin ang paglapit niya. Albie suppressed his giggle and immediately covered Boris' eyes with his hands. Nawala ang ngiti niya nang humagod na ang mga kamay nito mula sa kanyang kamay na pumipiring sa mga mata nito. Humagod iyon pababa sa kanyang mga braso. Mariin ang pagkakakiskis ng balat ng palad nito sa kanya hanggang sa marating nito ang mga balikat niya. Boris gently massaged Albie's shoulders.

"Come on, Albie, I already saw you."

"How?!" tanggal niya ng mga kamay sa mga mata ng lalaki.

Nakangising tiningala siya ni Boris. "I stole a glance, I saw you look down and put some sand off of your slippers."

Bumungisngis na lang siya dahil tama ito.

Umupo si Albie sa tabi ng lalaki at tinanaw ang madilim na karagatan. Nangingibabaw ngayon ang malakas na hampas ng mga alon dahil halos wala nang katao-tao sa beach. Niyakap niya ang sarili dahil sa lamig ng hangin mula sa dagat.

"How is your day?" lingon niya sa lalaki na nakasuot lang ng shorts.

Nagtataka tuloy si Albie kung bakit parang hindi man lang ito giniginaw. He relaxedly sat on the sand, leaning back his body which helped reveal his hard, sexy body. Nakatukod sa bandang likuran nito ang isang kamay.

A Man of His WordWhere stories live. Discover now