Chapter Twenty-Two

3.2K 65 3
                                    

"ASUS, FALSE ALARM..." nanunuksong tingin ni Jelly kay Albie nang makauwi na siya sa boarding house. "Ang sabihin mo, nagkukumpleto ka na ng mga requirements mo kaya ka um-absent!"

Natawa na lang siya. "Hindi pa, no! Doon ko na sa Manila aayusin ang mga requirements ko!" palatak niya habang iniingatan na huwag masyadong maipit ang puwitan sa pagkakaupo sa sofa.

"Eh bakit papasok ka na bukas?"

"Wala nga akong pigsa sa puwet!" panlalaki niya ng mga mata sa kaibigan.

"Eh 'di, ano 'yan? Ano? Ano?"

"Ewan ko," kaila lang niya.

Ang kulit din talaga nitong kaibigan niya. Sanay na naman siya sa pagiging mausisa ni Jelly. Kaya nga lagi silang laughtrip magkasama. Napadaan si Joey na kadarating lang. Magkakasabay dapat sila ngayon ng shift at kasabay ni Jelly sa pagbalik sa boarding house. Kaya lang, may bibilhin daw ito sa bayan kaya ngayon lang nakarating.

"Oy, Joey," tingala ni Jelly sa lalaki na padaan sa likuran nila, "may niluto na kaming hapunan dun, ha? May tinira kami para sa'yo."

"Sige, salamat," tango lang nito bago nagtuloy-tuloy sa hagdan paakyat sa mga kwarto sukbit ang bag nito at bitbit ang mga pinamili.

"Ang dami namang pinamili ni Joey," lingon niya kay Jelly. "Hindi ba sa katapusan pa ang uwi niya doon sa pamilya niya?"

Binanggit iyon ni Albie dahil sa dami ngayon ng pinamili ni Joey, imposible na pampasalubong iyon para sa pamilya nito.

"So, ano nga ba iyang nasa pwet mo?" balik na naman ng loka-loka niyang kaibigan sa orihinal nilang topic.

"Ewan ko nga! Pero huwag na nating pag-usapan 'yan at wala na rin naman ito!"

"Ewan ka diyan, baka kung ano na 'yan! Patingin nga!" pilit sa kanya ni Jelly na iangat ang puwitan niya.

"Hoy! Tonta!" pabirong sigaw niya bago ito pinagpapapalo sa braso. "Magtigil ka nga!"

Sa totoo lang pinipigilan niya ito dahil napapaupo siya sa sobrang paglilikot. Tuwing napapaupo si Albie, medyo nananakit na naman ang puwitan niya. Kaya nga ingat na ingat siya sa pag-upo.

Pabiro lang naman pala 'yung itse-tsek ni Jelly ang puwitan niya, tumigil na kasi ito at nagtatatawa.

"As if naman sisilipin ko talaga iyan!" sandal nito tapos biglang naging gulat ang ekspresyon ng mukha. "Hala, baka may tumuhog na diyan, ha?"

Lalo siyang naeskandalo sa bruha. Napamaang siya saglit, hindi makapaniwala na nagkaroon ng ganoong ideya si Jelly. At the same time, naghahagilap na si Albie sa isip-isip niya ng idadahilan dito.

"Alam mo, sira-ulo ka!" depensa ni Albie. "Kung anu-ano iyang pinag-iiisip mo!"

Bumungisngis ito. "Eh bakit masakit ang pwet mo kahapon pa?"

"Eh, ewan ko nga!"

"Ay, dapat talaga iyan i-tsek!" tumatawang tulak nito sa kanya para maipaharap ang puwitan niya sa direksyon nito.

Nanlaban si Albie. "Ay bruha ka, mapagsamantala ka!"

Sanay na naman siya sa ganoong mga biruan nila ni Jelly.

Napalingon sila sa pinto nang may kumatok.

"Oh my God," tingin ni Jelly kay Boris bago nang-aalaska na pinanlakihan siya nito ng mga mata. "Wow, iyan ba ang tumuhog."

A Man of His WordWhere stories live. Discover now