Chapter Thirty-Four

3.2K 75 1
                                    

MALAPIT NA ANG CURFEW kaya naman bumalik na sa beach proper si Albie. Habang naglalakad, gumugulo pa rin sa isip niya ang sitwasyon ngayon kasama si Boris.

Napasinghap siya nang matanaw si Olivia na mukhang nanggaling sa boarding house. Masasalubong na niya kasi ang babae na tila nagmula sa direksyon patungo roon.

Binagalan ni Albie ang paglalakad hanggang sa mapahinto nang magkatapat na sila ng babae.

Nakasuot ito ng simpleng sundress, may hawak na smartphone at binigyan siya ng babae ng nakaka-intimidate at mapanuring tingin.

Despite the bruises and scratches on her face, Olivia still looked gorgeous. Maayos ang pagkaka-low ponytail ng buhok nito at walang masyadong make-up ang mukha.

"I'm glad we still met. I visited you in your boarding house, but you're not there," bungad nito.

"I just... I just walked to get fresh air," aniya.

Medyo napapagod na si Albie kaka-English sa mga ito sa totoo lang. Malapit nang masaid ang brain cells niya kakahagilap ng angkop na salita para ma-translate sa mga ito ang nais niyang ipahiwatig kapag kinakausap nito o ni Boris.

"Did that help you breathe, Albie?" makahulugan nitong tanong sa kanya.

"Y-Yeah," aniya. "Thank you—" lalagpasan na sana niya ang babae pero hinablot siya nito sa braso. Napalingon si Albie rito.

Nasa harapan lang ang tingin ni Olivia, pero kinausap siya nito habang nasa ganoong posisyon.

"If you have an idea where Boris is, you better tell me now."

Pinagbabantaan ba siya nito? Iyon kasi ang nagpapabigat sa tono ng babae.

Olivia gave him a sidelong glance. "Once I find out that you're hiding Boris, I will involve you with this, Albie. You'll regret messing with us."

Gusto niyang sigawan ito sa mukha. Sabihin na nananahimik siya rito at dumating ang dalawang ito para lang guluhin ang buhay niya...

Ang puso niya...

Bakit ba ganoon ang mga tao? Masaya ka at nananahimik, bigla-biglang darating para gambalahin ka? Para idamay ka sa kung anumang pinoroblema nila?

Ni hindi pa nga buo ang pasya niya kung tutulungan si Boris. Kaninong kwento ba ang dapat niyang paniwalaan? Wala siyang makitang butas sa dahilan ng mga ito, sa hinabla ng mga ito na kwento...

Tinabig na niya ang pagkakahawak ni Olivia sa kanyang braso. The woman sarcastically smirked and let Albie leave.

.

.

MAINGAY ANG PAGTAKATAK NG ELISI NG HELICOPTER. Hindi ito nanaog kasi mas lalo lang itong gagawa ng ingay na mag-aalarma sa mga tao sa resort. Nanatili ang helicopter sa ere habang tinatali niya sa dulo ng rope ladder niyon ang mga bag nila ni Nikolai.

Nang matapos, nag-angat siya ng tingin sa anak.

"Anak, ikaw ang maunang umakyat."

Tumango ang bata at inalalayan niya ito sa pag-akyat sa unang baitang ng rope ladder.

"Anuman ang mangyari, huwag na huwag kang bibitaw o bababa, maliwanag?" dagdag niya bago umakyat si Nikolai. Nilingon siya nito at tinitigan sa mga mata. Naroon ang tiwala ng anak para sa kanya at kagustuhang sundin ang bawat instruksyon niya. Pero hindi maikakaila na may kaunting takot na namimintana sa mga mata nito.

A Man of His WordDonde viven las historias. Descúbrelo ahora