Chapter Forty

2.7K 71 1
                                    

LUMINGA-LINGA SI BORIS SA PALIGID. Pagbaba ng tingin nahuli niya ang patagong pagsulyap sa kanya ni Georgia. Georgia ang pakilala sa kanya ni Albie sa kaibigan nito. Halos magkasing-payat lang ang dalawa, mas may balakang nga lang si Georgia. Morenang-morena rin ito at mahaba ang kulot na buhok na light brown. Parampa kung maglakad. Naka-denim shorts na maikli at tank top.

Alam ni Boris na may mga taong ganito na open sa pagiging bakla nila. Ewan niya kung bakit parang may cultural shock pa rin siya ukol doon.

Ngumiti ito sa kanya ng malapad bago binalik kay Albie ang tingin.

"Oh," layo nito ng kaunti sa kasama niya, "dito lang kayo, ha? Tawagin ko lang muna ang Babe ko, at baka nasa loob."

Nagmamadaling umalis ito. Siyang tabi ni Boris kay Albie.

His eyes scanned the carwash shop in front of them. May car repair services din naman ito. Pero kita nila na dalawang magkatabing mga sasakyan ang nililinis doon. Isa lang ang nasa tila ramp dahil nire-repair pa iyon. Maingay ang kalansing ng mga tools at bakal. Ganoon din ang wasiwas ng tubig mula sa gamit na hose ng mga lalaki.

Saglit na namilog ang mga mata niya dahil halos lahat ng mga ito ay walang suot na pang-itaas. May ilang slim ang katawan, pero may mga natatangi na namumutok na yata sa muscle. Binaba niya ang tingin kay Albie na mas nagniningning pa yata ang mga mata kaysa sa kanya. Nakadalawang-tikhim si Boris pero hindi siya nito nililingon kaya pinitik niya sa ilong.

"Aw," irap ni Albie sa kanya.

"Wandering eye," he grinned.

"Tse!" ekis nito ng mga braso.

He just scoffed. "Go on ahead. They're no match for my body," halukipkip din niya habang dinadala na sa ibang direksyon ang kanyang paningin. His smirk was victorious.

Albie just mouthed mutely, mocking him as he rolled his eyes before returning them at the topless men.

Sa wakas ay sumulpot na rin si Georgia kasama ang boyfriend nito. Tinanaw ni Boris ang lalaking palapit sa kanila ni Albie— mas matangkad si Georgia rito, pero mas malaki ang katawan ng may-ari ng car shop. Kinalas niya ang pagkaka-ekis ng mga braso.

"Hi," bati ulit ni Georgia sa kanila. "This is Nato, siya ang Babe ko."

Boris' eyes narrowed, studying the tan-skinned man. Ina-analyze niya kung talaga bang sineseryoso nito bilang karelasyon si Georgia. Masyadong lalaking-lalaki lang kasi ang hitsura ni Nato para sa kanya. Gayundin ang aura nito.

"Hi," pakikipagkamay na lang ni Boris dito. He had to bend down a bit to reach Nato's hand. "I am Boris."

Tumango ito. Seryoso at nanunuri ang mga mata habang nagkakamay sila.

"Naghahanap daw ng trabaho itong fafa ni Albie, Babe," yapos ni Georgia sa braso ni Nato.

Nagbabantang pinanlakihan ni Albie ng mga mata ang kaibigan kaya malakas na natawa ito.

"Ay, hindi pala siya fafa ni Albie, friend lang," at binuntutan na naman iyon ni Georgia ng tawa.

Nagbitaw na ang mga kamay nila. "Eh, titingnan muna natin kung pwede itong isang ito," titig sa kanya ni Nato pero si Georgia ang kausap. "Nakakaintindi ba iyan ng Tagalog?"

"Oo," maagap niyang sagot.

"Oh, see?" Georgia playfully poked a finger on Nato's cheek. "Nagsasalita pa 'yan ng Tagalog!"

Mukhang hindi ito kumbinsido kung makatitig sa kanya.

"Sige, iwan niyo muna kaming dal'wa," alis nito sa nakapulupot na braso ni Georgia. "Ililibot ko lang ito dito sa shop. Titingnan ko na rin kung maalam sa mga trabaho rito."

A Man of His WordKde žijí příběhy. Začni objevovat