Chapter Twenty-Seven

3.2K 83 0
                                    

TAHIMIK LANG NA BATA si Nikolai pero maayos naman kausap. Hindi man ito nag-po-po at opo, dinig naman sa tono ng pananalita nito ang paggalang. Wala rin itong arte pagdating sa pagkain. Hindi makapaniwala si Albie na napakain ito ni Joey ng niluto nitong tuyo na may kamatis at sawsawang suka, at ginisang monggo na hinaluan ng dilis.

May budget pa naman sila. Na-miss lang daw ni Joey ang amoy at sarap ng Pinoy na Pinoy na mga pagkain kaya iyon ang niluto para sa kanila. Tuwang-tuwa naman si Jelly sa pagkakamay habang kumakain. Si Mariel naman, medyo pino pa kumilos. Tiyak niyang nahihiya pa ito kaya ganoon. Uuwi na dapat ito pero nakulit niyang kumain muna bago bumiyahe.

Pagkatapos maghapunan, hindi na niya pinatulong si Nikolai sa paghuhugas ng pinggan. Sinabihan lang niya ang bata na magsepilyo na. Sumunod naman ito. Pero nagpasama muna sa kanya sa kwarto nila para kunin daw sa bag ng mga gamit nito ang tootbrush.

Kaya habang nagsesepilyo at hilamos ng sarili niya ang bata, tinatapos naman ni Albie ang paghuhugas ng pinggan.

Siyang sulpot ni Jelly sa kanyang tabi.

"Hoy, bakla," tawag nito habang pinapanood siya.

"Ano?" aniya, tutok sa hugasin ang mga mata at mabilis ang kilos ng mga kamay sa pagkukuskos ng espongha na may sabon sa bawat pinggan, baso, kubyertos at mga ginamit ni Joey sa pagluluto.

"Talagang dito matutulog 'yung bata?"

Dahil siguro sa presensya kanina ni Nikolai, kaya ngayon lang siya kinukulit ng kaibigan.

"Oo nga," sagot na lang niya.

Namewang ito. Ang isang kamay naman ay nakatukod sa tabi ng lababo.

"Aba't bakit?" Dama niya ang naguguluhang tingin nito. "Yaya ka ba n'un?"

"May aayusin lang daw si Boris."

"Ano naman?" bulong pa rin nito. "Hoy, Albie. Wala pang one week, bakla. Bakit parang sunud-sunuran ka na niyang Boris na iyan?"

"Eh, tinutulungan ko lang naman 'yung mag-ama," dahilan na lang niya.

"Eh, bakit? Bakit ang laki ng pakialam mo sa kanila?" Napailing ito. "Baka mamaya mapagkamalan ka pang kidnapper."

"Ay, grabe ka!" pinanlakihan niya ito saglit ng mga mata. Exaggerated na kung exaggerated. "Kidnapper agad? Sa ganda kong ito?"

Gusto niyang pagaanin ang usapan, kaya nagsisingit na si Albie ng mga biro.

"Eh kasi naman, naloloka lang ako kung bakit pumayag-payag ka na maging taga-alaga ng anak niya."

"Keri ko ito, day, okay?" lingon niya rito. "Ako ang bahala sas junakis ni Boris. Hindi kayo maaabala ng kakulitan niya. Swear."

He returned his eyes on the dishes.

"Hindi ko lang ma-gets kung bakit, nag-aalaga ka ng anak ng tao na hindi mo kilala. Baka mamaya, may kung anong gulo na dala ang mag-tatay na iyan, ha?"

Natigilan siya.

"Ako lang naman, eh, pinapaalalahanan lang kita," layo na nito sa gilid ng lababo. Napasunod siya ng tingin sa paalis nang kaibigan. "Remember, marami tayo rito sa boarding house. May isa sa atin na mapahamak dito, maraming madadamay."

"Ano ka ba, girl," may tensyon sa tawa niya. "Ang O.A. mo."

"Ewan ko sa iyo," talikod na nito para iwanan siya sa ginagawa.

A Man of His WordWhere stories live. Discover now