Chapter Nineteen

4.4K 95 6
                                    

TUMATAKBO PA RIN ANG LALAKI nang habulin ito ni Boris. Ayaw naman niya itong tawagin o sigawan dahil baka lalo lang ito maalerto sa presensya niya. Kapag ganoon ang nangyari, pahihirapan siya nito sa paghabol dito.

Bigla na lang itong tumawid. Humihingal na huminto si Boris dahil ayaw naman niyang magkaroon ng kaso sa hindi tamang pagtawid.

Pero kapag sinuswerte ka nga naman. Naisipan nitong lumingon kaya nakita siya. Tumakbo ito ng mabilis.

Lumingon-lingon siya sa paligid at may natanaw na tawiran. Tinakbo niya iyon bago tumawid. Wala na siyang pakialam noon kung may paparating na mga sasakyan. Bahala na. Nang marating ang kabilang panig ng kalsada na nahahanayan ng iba't ibang establisyemento at mga bahay, tinuloy niya ang paghabol sa lalaki. Natatanaw pa niya ito na nakasuot ng hoodie na itim pero ang layo na nito.

Tumigil na lang siya para maghabol ng hininga. Sa kanilang tatlo nila Sloven at Bruno, siya nga talaga ang nasa huli sa listahan pagdating sa physical fitness. Utak lang naman ang madalas niyang puhunan bilang eksperto sa mga computer at programming. Bruno was the strongest and Sloven was the most flexible.

"Malas talaga ang kwarenta," anas niya sa wikang Russian bilang pagkutya sa kanyang edad habang unti-unti nang nawawala ang lalaki sa kanyang paningin.

Nanghihinang tumalikod na si Boris at lumukot ang mukha.

"At saan na ako napunta?" naguguluhang gala niya ng paningin sa paligid.

.

.

.

***

.

.

.

"ANG GWAPO TALAGA ng anak ko," lahad ni Boris ng braso para palapitin sa kanya si Nikolai.

Kakalabas lang nito ng banyo. The kid looked neat in his jeans and green striped shirt. Pinaupo ito ni Boris sa tabi niya sa paanan ng kama at inabot rito ang sneakers nito. Tinaas ni Nikolai ang isang paa para suotan ang sarili niyon.

"Are you sure you don't need me there?" pamewang ni Olivia na nakatayo lang sa bandang likuran niya habang pinapanood silang mag-ama.

"Hindi na," sagot niya sa babae habang na kay Nikolai pa rin ang kanyang paningin.

Pero ang totoo, pinakiusapan niya si Olivia na asikasuhin ang pagbabantay sa surveillance system na ginawa niya habang wala silang mag-ama sa resort.

"Pero hindi ba, trabaho ko na bantayan si Nikolai?"

Hindi naman nakakabasa ng isip si Boris pero nase-sense niya na ang karugtong ng sinabi ni Olivia ay pati ang pagbabantay sa kanya, trabaho rin nito.

"Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Sloven. He'll understand," sulyap niya rito bago sinali si Nikolai sa usapan. "Hindi ba, anak? Deserve naman siguro ni Miss Olivia na mag-day off para makapaglibang-libang siya 'di ba?"

"Oo, Papa," ngiti nito bago tumingin kay Olivia. "Magiging ayos lang kami ni Papa, Miss Olivia."

Ngumiti ito sa bata at pasimpleng pinanlakihan siya ng mga mata.

Nang matapos na sa pagsusuot ng sapatos nito si Nikolai, tumayo na silang mag-ama. Initsa ni Boris ang susi ng hotel room kay Olivia.

"Ikaw na ang bahala rito," aniya bago nila ito iniwanan.

A Man of His Wordजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें