Chapter Fifty-Three

2K 68 1
                                    

THE CLUCKING OF THE GUN MADE BORIS TURN. Nakita niya sa likuran si Roger, nakatutok ang baril sa kanya. He felt a sweep of relief. Sinamantala naman iyon ni Sloven para ilabas ang sinuksok na patalim sa likuran nito. Sloven wrapped its chains around his shaking hand.

"Roger," tawag niya rito para lumapit at tulungan siya.

Humakbang ang lalaki, pero nagtataka siya kung bakit sa kanya pa rin nakatutok ang baril nito.

"Sino ang nag-re-open ng kaso?" nakangising saad nito sa wikang Ruso. "Ako."

His jaws tensed. The veins bulged on his arm as he clenched his fists.

"Roger Vladimir," pakilala ng lalaki bago tinapunan ng sulyap si Sloven.

"Wala akong atraso sa iyo." Nanatili ang mata ni Boris dito, naghahanap ng hint kung ano ang posible na susunod na kilos ng lalaki.

"Sa mga Ivanov, mayroon. Lalo na sa tiyuhin ko."

Boris scoffed. "Pamangkin ka pala ni Ex-General."

"Oo," he devilishly grinned. Kalkulado ang mga hakbang nito. "Dahil sa inyo, kahihiyan ang hinarap ng mga Ivanov. Napilitan sila Titan a lumipat dito sa Pilipinas. Nabu-bully ang mga pinsan ko dahil sa balita na nabaliw si Tito, na masamang tao si Tito."

"Dahil totoo iyon," mariin niyang saad.

"Siguro nga. Pero makatwiran ba ang ginawa ninyo sa kanya?" Ayos nito sa pagkakahawak sa baril. "Alam ko ang laman ng mga medical tests nung ni-rescue siya. Bukod sa mga tama ng baril na halos pumilay sa kanya, may gumahasa sa kanya!"

Parang pinanawan ng dugo sa katawan si Boris. Namutla.

"At talagang nilihim niyo pa ang resulta niyon. Dahil ano? Dahil ni-request ng Gregori na iyon? Ng hepe ng GRU? Para pagtakpan kayong mga animal kayo?"

Sloven's eyes narrowed. Sensitibo kasi ang lalaki kapag ang ikalawang ama na si Gregori na ang nadadamay sa usapan.

"Binalik ko lang ang binigay niya sa akin," basag ni Boris sa sariling pananahimik. "Siya ang naunang lumapastangan sa akin. Normal ang magiging buhay ko kung hindi niya ako binaboy!" He pulled back the tears. "Hindi ko hahanap-hanapin ang ganoong karuming... kung hindi ko naranasan iyon hindi ako magiging ganito!"

"Isinisi mo pa sa Tito ko ang pagiging bakla mo!" mayabang nitong taas-noo. "Kinakahiya mo na ngayon ang pagiging bakla mo? Matapos ka makipaglandian sa Albie?"

"Sa Albie?" gulat na bulalas ni Sloven, napatingin sa kanya.

"Tumahimik ka," Boris muttered at him.

Hindi niya kinakahiya kung ano ang kinahinatnan niya ngayon. Ang nais lang niyang ipahiwatig ay kung ano ang naramdaman niya noong ginawa ang karumal-dumal na krimen kay Ivanov. Nag-iba ang tingin niya sa mga bagay-bagay mula nung makilala si Albie.

Joachim helped Boris realize who he really was— tuluyan na siyang naging ganito. Bakla. Masaya sa relasyong lalaki para sa kapwa lalaki.

But Albie... Albie helped him accept it.

Sa buong panahon na nakasama niya si Albie, natanggap ni Boris kung anon a siya ngayon. Nakita niya na masarap sa pakiramdam kung tanggap mo kung sino ka dahil sa pagiging masayahin ni Albie. Sa kainosentehan nito na nagpapakitang bukas ang lalaking iyon sa anumang ibato ng mundo rito. Matapang na sumali sa Pride Day Parade dahil hindi lang nito tanggap ang sariling katauhan. Pinagmamalaki din nito iyon. Hindi kinahihiya. Pinagmamalaki.

A Man of His WordWhere stories live. Discover now