Prologue

57.2K 1.1K 51
                                    

Paalala: Ang istoryang ito ay bunga ng mapaglarong isipan ng may akda. Ito ay naglalaman ng mga kalokohan na maaring nakakainis o nakakatuwa. Kaya kung seryoso kang tao then this is not perfect for you.

"Change your clothes" utos nito sa akin. Napasimangot ako dahil ilang ulit na akong pabalik-balik sa kwarto ko pero paulit-ulit pa rin ako nitong pinagpapalit ng damit.

"Kanina ka pa sir a, ano ba problema mo sa damit ko? Ang ganda kaya!" Tanong ko habang nagpapaikot-ikot pa sa harapan nito para ipakita ang magandang damit na suot ko ngayon, todo ngiti pa ako. Ang suot ko kasing damit ngayon ay isa sa mga paborito kong isuot. Tiningnan ako nito ng masama.

"Yeah, maganda nga ang damit mo pero hindi bagay sa magiging trabaho mo sa akin. So please change your clothes" utos ulit nito sa akin na agad binawi sa akin ang tingin para bumaling na ulit sa binabasa nitong dyaryo.

"Ano bang kinalaman ng damit ko sa trabaho ko? E hindi naman damit ko ang magtatrabaho a? Ako kaya sir" sagot ko dito na napaisip pa. Talaga si sir! Tumingin ulit sa akin si sir na para bang gusto na akong lamunin ng buhay.

"Pinipilosopo mo ba ako babae? You are applying as my maid, not my model. Tsk! "

🌻Thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated! ❤❤❤ Keep safe everyone!

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon