CHAPTER 2

278 11 0
                                    

Mira's POV

Lalaki ba sya o bakla? Binibwisit nya ako ah! Akala nya siguro masisindak nya ako sa mga pananalita nya.

"Hays, di ako makapaniwala na sinapak mo si Sammer. Ikaw lang kaya yung babaeng gumanti sa kanya" sabi ni Krisa habang naglalakad kami pabalik ng room.

"Eh ano ngayon kung ako lang? Di naman kasi ako yung klase ng tao na basta basta nalang magpapaapi! Kalalaking tao non nananapak ng babae" katuwiran ko.

"Oo, sabihin na nating di ka magpapaapi pero iba si Sammer. Kahit babae ka pa, baka masaktan ka nya not just emotionally but physically! Baka mamaya di lang yan ang abutin mo sa kanya" katuwiran naman ni Jona.

Di na ako nagsalita pa dahil baka maaway ko lang tong dalawang to. I don't know kung bakit naging close agad kaming tatlo. Madali silang makaclose, siguro yun ang dahilan.

Pagkarating namin ng room, pinagbababato ako ng papel ng mga kaklase ko.

Hinayaan ko lang sila.

"Ang yabang mo rin eh no? Pati si Sammer dinadaan mo dyan sa yabang mo? Ano? Para magustuhan ka nya? Tsk! Attention seeker" mataray na sabi ng kaklase ko.

Di ko sya pinakinggan at pumunta nalang ako sa pwesto ko.

"Hoy! Pangit ka kaya di bagay sayo ang mangsnob! Duh! Akala mo ang ganda ganda" ani pa nito. Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko.

"Hoy bruhang Ashlee! Wag ka ngang magsimula ng gulo! Baka gusto mong matulad dyan sa Sammer na sinasabi mo!" singit naman ni Krisa.

"Wag mo na syang patulan Krisa. Ang mga immature, hindi dapat pinapatulan. Masama ang pumatol sa isip bata" sabi ko kay Krisa.

"Wooooooooooh!" -mga kaklase ko.

"Ako? Immature? Talaga? Eh parang mas immature ka nga sakin eh! Look at your hair, hindi ba pambata ang ganyang istilo ng buhok? Eh di ka na bata diba? So sinong immature sating dalawa? Ikaw!" depensa nito.

Halatang tanga ang isang to!

Nagsigawan ang mga kaklase ko.

"Immaturity is not base on your hair style. Immaturity is base on your attitude, on what you say, on how you speak and how you act. Hindi porke nakamake up ka at maayos ang buhok mo, it's sign of your maturity. Hindi don nakabase! Tandaan mo, ang ayos ng buhok ko ay isang istilo! May batas ba na pambata lang ang double braid? Wala diba?" depensa ko naman. Hindi sya makapagsalita. "Bago ka magsalita, tignan mo muna yung sarili mo para yung taong hinuhusgahan mo walang masabi sayo" dugtong ko pa. Napansin ko namang napayukom sya ng palad.

"Woooooooaaaaaah! Nabars!" sigaw ng mga kaklase ko.

Ang sama ng tingin nya sakin na para bang kakainin nya ako ng buo ano mang oras.

Di ko nalang sya pinansin, umupo na ako at nagbuklat ng libro.

Ilang minuto ang lumipas pero wala pa ang next sub.

"Good morning!" bati ng teacher na dumating. Mabilis kong isinara ang libro at sasabay sana sa pagtayo ng mga kaklase ko pero agad ring umupo ang mga kaklase ko nang senyasan sila ni ma'am na wag ng bumati.

"I am your adviser. I'm Ms. Ella Dawin your biology teacher this year" pagpapakilala nya. "We will start the lesson tomorrow and I want y'all to bring yourself here with your preparedness, with your cooperation and with your brain. Ayoko sa lahat yung nagtuturo ako ay may mahuhuli sa klase, may nagkacutting classes, may matutulog at may lutang. Mabait ako pero sa mabait lang, masama ako sa masama. Gusto ko yung active sa klase at kayang sagutin ang mga tanong ko. One of the highest section kayo kaya di nyo dapat ipahiya ang section nyo pati ako. Di kailangang maging matalino sa klase ko, gusto ko lang ay participation at marunong sumunod. Maliwanag?" aniya.

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now