CHAPTER 35

98 6 0
                                    

Mira's POV

Ilang araw ang lumipas, nakalabas na rin ako ng hospital. Lagi naman akong pinupuntahan nila Kuya at Blake. Buti nga eh nakakatakas pa sila. Tss!

Umaga na ngayon at may pasok. Papasok na ulit ako sa school. Okay naman na siguro ako.

Pagkatapos kong magsuklay, kinuha ko na yung bag ko at umalis na ng bahay. Pagkarating ko naman sa school, nakasalubong ko si Jona.

"Oh? Okay ka na ba?" di makapaniwalang tanong nito. Nakangiti naman akong tumango.

Nakarating na kami sa room. Wala pa si Krisa.

"Kasama nya jowa nya" bulong ni Jona kaya napatingin ako dito.

Jowa nino? Ni Krisa?!

"Sila na ni Razzel" sabi pa nito na parang nabasa nito yung nasa isip ko. Umupo na ako sa upuan ko.

Kinuha ko yung libro ko at binuklat yon. "Eh ikaw? Kamusta kayo ni Hunter?" natigilan ako nang bigla nyang takpan yung bibig ko.

"Shh! Wag mo ngang lakasan yung pag-banggit sa pangalan nya, alam mo naman mga kaklase natin" reklamo nito. Inalis nya naman na yung kamay nya. "K-kami na" parang nahihiya pang sabi nito. Natawa naman ako at siniko ko sya kaya napatingin sya sakin.

Di halatang nagbablush ah? Pfft!

"Congrats" pang aasar ko. Kinunotan nya naman ako ng noo.

Umayos naman na ako ng upo at nagbasa nalang. Ilang araw din akong wala kaya dapat lang na magbasa ako.

"MIIIIIIRAAAAAA!!!!!" bigla akong napatingin sa pinto nang biglang may sumigaw. Si Krisa.

Patakbo syang lumapit samin ni Jona. "Okay ka na?!" masiglang tanong nya. Tumango lang ako.

Ngiting ngiti ang loka.   d-,-b

"Namiss kita ng sobra" aniya at ginulo yung buhok ko. "Ay sorry, hehe" inayos nya yung buhok ko.

Ginulo ba naman!

Dumating na si ma'am kaya umupo na rin si Krisa sa pwesto nya. Tinabi ko naman na yung libro at umayos ng upo.

.
.
.

Sammer's POV

Nakakawalang ganang pumasok! Malamang nyan makikita ko na naman si panget! Hays!

Nakasalumbaba akong nakatingin sa nagtuturo. Kahit naririnig ko syang magdiscuss, di ko naman maintindihan.

Tas mamaya pag-uwi, makakasama ko sya ng 2 hours sa study room! Hay nako!

"Mr. Jackson!!" agad akong napatayo nang bigla akong tawagin.

"Y-yes?"

"Come to my office, NOW!!" sigaw naman nito. Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya sa office nya.

Tapos na pala yung klase, morning break na.

"I want to talk to you about your grades! Nung nakaraan, ang tataas ng mga nakukuha mong scores! Tapos nitong mga nakaraang araw naman! Ang baba! What's the matter with your life, Mr. Jackson?!" inis na sermon nito. Kaming dalawa lang ang nandito sa faculty kaya walang makakasaksi ng pagkapahiya ko.

-,-

"I don't want to get a score from you nang ganoon kababa naintindihan mo ba? Kung hindi, mabuti pang ibagsak na kita"

Ibagsak na kita! Ibabagsak na kita! Laging sinasabi yan ng mga teacher sakin, di naman nila magawa! Ano bang pakialam ko sa grades? Its just a numbers!

The Bad Boy's LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora