CHAPTER 50: THE LAST CHAPTER

233 7 0
                                    

Mira's POV

Naalimpungatan ako dahil sa sakit ng ulong naramdaman ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at inilibot yon sa paligid. Napansin kong puro puti ang nakikita ko kaya malamang nasa hospital ako.

Napatingin ako sa kanan ko nang maramdaman kong may mabigat na bagay ang nakadag-an sakin. Nakita ko si gunggong na natutulog habang nakahawak sa kamay ko. Hinawi ko naman yung buhok niyang natatakpan ang maamo nitong mukha. Napatitig ako sa mukha niya.

Sobrang kinis ng mukha niya, sobrang puti, ni isa walang bakas na nagkapimples sya kahit blackheads wala. Tapos yung kilay niya ang kapal, at ang gwapo niyang matulog.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang magmulat sya ng mata at derestong tumingin sakin. Agad akong nag-iwas ng tingin at malakas na binawi sa kaniya yung kamay ko.

"Sabi ko na nga ba't may nakatitig sakin eh" rinig kong sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Tinaasan ko sya ng kilay at nginisian niya naman ako.

"Tss!" usal ko.

Umaayos ako ng upo ay sumandal sa unan. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.

"Binabantayan ka ano pa ba?" pamimilosopo niya. Napasinghap nalang ako at tumingin sa bintana na nasa kaliwang side ko.

Napatingin ako sa kalangitan. Sumagi naman sa isip ko yung nangyari sa airport. Napabuntong hininga nalang ako.

Kung maaga lang siguro akong dumating, hindi ako mauunahan ni Dad.

Nakaramdam ako ng bigat ng pakiramdam at di ko maiwasang mapaluha. Bigla namang may yumakap sakin patalikod. Ipinatong nito ang baba niya sa balikat ko. Kaya napalunok ako ng ilang beses.

"Don't worry, nandito lang ako. Kung iniwan ka ng mga kapatid mo, ako hindi. I won't leave you and I will stay" rinig kong sabi niya. Lalo namang bumigat ang pakiramdam ko.

Inalis ko yung braso niyang nakayakap sakin at humarap ako sa kanya. Niyakap ko sya nang sobrang higpit at umiyak nang umiyak.

Naramdaman ko namang hinahagod hagod niya ang likod ko para patahanin ako. Pero tuloy lang ako sa pag-iyak.

——

Hindi muna ako tumuloy sa bahay ni Mr. Helfel pagka-discharge ko sa hospital. Nakiusap kasi sila Mrs. Jackson kay Mr. Helfel na doon muna ako sa bahay nila magstay. Di ko alam kung bakit gustong gusto nila akong tumira sa bahay nila.

Dinner na ngayon at nasa dinning area kami. Kasama ko sila Shaun, Sammer, Mr at Mrs. Jackson. Para kaming isang pamilya na nagsasalu-salo sa hapag-kainan.

Nang matapos ako, pumunta ako sa kwarto kung saan ako natutulog nung nandito pa ako. Isang gabi lang ako nawala pero pakiramdam ko ilang buwan akong nagstay sa bahay ni Mr. Helfel.

Isasara ko sana yung pinto nang pagkalingon ko eh nakasunod pala sakin si gunggong. Nauna syang pumasok sakin sa loob. Pumasok na rin ako at sinara yung pinto.

Nakita ko sya sa may terrace kaya pumunta rin ako doon. Humugot ako ng isang malalim na paghinga at pinakawala yon.

"Sabi ko na sayo eh! Hindi talaga ako yung kambal mo! Tss!" rinig kong sabi niya. Natawa nalang ako sa kaniya.

Humarap sya sakin kaya napatingin ako sa kaniya. "Sorry nga pala" nakangusong sabi niya kaya napakunot ako ng noo.

"Sorry saan?" kunot noong tanong ko.

"Sorry kasi ang gwapo ko! Hahaha!" natatawang sabi niya. Napailing naman ako.

Tss! Walang pinagkaiba kay yabang!

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now