CHAPTER 15

131 10 0
                                    

Mira's POV

Nagising ako sa isang madilim at tahimik na lugar. Ang sakit ng ulo ko.

'Nasaan ako?'

May konting liwanag akong nakikita. Nasaan ba ako?

Tumayo ako at lumapit sa pinto.

Nakalock ito.

Nilibot ng mga mata ko ang paligid. Wala ako sa locker room. Nasaan ako?

Triny kong buksan ulit yung pinto pero di ko mabuksan. Bwisit! Nasaan ako?! Paano ako napunta dito?

Naalala ko bigla, may tumakip ng bibig ko gamit yung panyong may nakakahilong amoy tapos nakatulog ata ako.

O - O

Nakidnapp ba ako?

T - T

Kailangan kong makaalis dito. Biglang bumukas yung pinto at may pumasok na dalawang lalaki na nakabonet na itim.

"Sino kayo?" natatakot kong tanong sa kanila. Hindi nila ako sinagot at tinalian nila ang kamay ko. Nagpupumiglas ako pero mas malakas sila.

"Ano ba! Pakawalan nyo ko!" pagpupumiglas ko.

"Wag kang malikot!" sigaw nito.

Dinala nila ako sa labas ng kwartong yon. Saan nila ako dadalhin?

Patuloy ako sa pagpupumiglas pero walang nangyayari. May kalakihan kasi ang katawan nila tapos dalawa pa silang nakabantay sakin. Ano ba kasing ginagawa ko dito?!

Sila ba yung nakita ko nung uwian?

Ano bang kailangan nila sakin?!

Bigla akong natumba nang itulak nila ako ng malakas. Bwisit! Pag ako nakawala sa taling to, sisiguraduhin kong di na sila sisinagan ng araw!

"Gising na boss" sabi nung isang lalaki. May lumabas na tatlong tao. Nakabonet rin sila. Sa tingin ko yung dalawa ay babae. Lumapit sakin yung isang babae at sinabunutan ako.

"Aaahhh!" daing ko dahil ang lakas ng pagkakahila nya sa buhok ko.  Di ako makagalaw dahil sa bwisit na taling to sa kamay ko.

Lumapit sakin yung isa pang babae at may dala itong gunting. Anong gagawin nya?

Kinuha nya ang buhok ko at ginupit yon.

"Ano ba! Pakawalan nyo na ako! Tama na!" sigaw ko sa kanila.

"Eto pa nga lang ang ginagawa namin, ayaw mo na agad? Paano kami mag-eenjoy nyan?" sabi ng gumupit sa buhok ko at tumawa ito ng malakas.

Nagpatuloy sya sa paggupit ng buhok ko. Tinulak ko sya ng malakas gamit ang ulo ko. Natumba sya sa lakas. Tinulak ko rin yung isa. Tumayo ako pero sinipa ako ng isang lalaki sa bandang binti kaya natumba ako. Nakatayo na yung dalawang babae at sinabunutan ako.

Nilagyan ng panyo yung bibig ko kaya di ako makapagsalita. Bwisit tong mga to! Siniko ko sa tyan yung nasa kaliwa kong babae at siniko ko rin yung isa.

"Lumalaban ka ah!" sabi nung una kong siniko. Bigla nya akong sinampal ng malakas.

Nagpatuloy na sa paggupit ng buhok ko yung isang babae. Sinipa ko sya palayo at dahil sa lakas ay dumausdos sya paatras. Bigla namang may sumipa sakin sa ulo. Bwisit to! Yung utak ko naalog! Sinipa ko sya at natumba ito. Tumayo ako at may lumapit sakin na mga lalaki. Isa isa ko silang sinipa. Marunong akong mag taekwondoo at sinipa ko sila sa may leeg. Nawalan sila ng malay dahil sa lakas ng pagkakasipa ko. May kung anong mabigat na bagay na tumama sa ulo at ikinatumba ko yon. Unti unting dumilim ang paligid.

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now