CHAPTER 47

82 4 0
                                    

Sammer's POV

Napaunat ako ng kamay nang makalabas na ako.

Sa wakas! Lunch break na!

"Bro, sama ka? Susunduin lang namin JOWA namin"

Kailangan bang ipagdiinan yung salitang jowa?!

Tss! Parang nakakawalang ganang maglunch, baka umepal na naman yung lalaking yon.

At dahil isa akong marupok, sumama nalang ako sa kanila. Nagugutom na rin ako kaya wala na akong choice.

Pagkarating namin sa building nila, naabutan namin silang  paalis na rin. At yung dalawang galunggong, akala mo ilang taon silang hindi nagkita ng jowa nila tss!

Ako kasi yung gunggong kaya galunggong nalang!

Napatingin naman ako kay panget, at kasama nya na naman yung punggok na mukhang engkantong lalaki na yon.

Nakakainis! Bakit ba ang daming nagkakagusto sa kanya?!

Hanggang sa pag-alis namin at pagpunta sa canteen, nakasunod lang samin yung engkanto. Nang mapatingin sakin si engkanto, sinamaan ko sya ng tingin pero binalewala niya lang yon.

Hinila ko naman si panget palayo sa kanya kaya nagulat siya. Nag-iba kami ng daan imbis na papuntang canteen yung dinadaanan namin ngayon, papuntang field na.

"Hoy! Ano bang problema mo?!" rinig kong inis na tanong ni panget kaya nilingon ko sya. Muntik pa syang bumangga sakin, sayang! Hahahaha!

"Bakit ba sunod ng sunod sayo yung engkantong yon hah?!" inis na tanong ko. Napakunot naman sya ng noo. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "YUNG LALAKING SUNOD NG SUNOD SAYO!" argh! Nakakabanas talaga!

"Aba'y malay ko, bakit di sya ang tanungin mo?" napasingkit naman ako ng mata sa sinabi niyang yon.

"Hays! Basta lumayo ka na sa kanya naintindihan mo?!" bilin ko. Bigla naman syang tumawa kaya napakunot noo ako. "Anong tinatawa tawa mo?! Seryoso ako!"

Napatigil sya sa pagtawa at nang-aasar na tinignan ako. "Napaka over protective naman ng kapatid ko" nakangising sabi niya.

Kapatid pala ah!

Hinila ko sya papalapit sakin kaya nakagulat siya. Napansin ko rin na napalunok siya. Niyakap ko sya sa bewang at mas lalo ko pa syang nilapit sakin.

Nilapit ko yung mukha ko sa kanya. Oo! Sobrang lapit!

"Isa pang banggit mo ng salitang yan, hahalikan na talaga kita" banta ko sa kanya. Tinulak niya naman ako nang malakas.

"Manyak! Tss! Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo!" inis na sabi niya at saka ako tinalikuran. Pero mabilis ko syang hinila at dinala sa field.

"Mukha bang may bilihan ng pagkain dito?!" inis na reklamo niya.

"Wag ka ng maglunch, kukulitin ka naman ng engkanto. Tss! Mamaya sasamahan kita sa albularyo at magpatawas ka para layuan ka ng engkantong yon" sabi ko habang nakalikit.

Nakaupo kami ngayon sa ilalim ng puno. Di naman mainit sa pwesto namin, mahangin naman kaya di kami maiinitan.

"Tss! Ang corny mo!" rinig ko namang sabi niya. Napangiwi nalang ako.

Nagugutom na ako pero titiisin ko nalang. Bwisit kasing engkanto yon! Ayaw tantanan si panget!

Akala mo buntot sunod ng sunod!

-,-

.
.
.

Arzelin's POV

Hey! This is my first point of view I guess? Haha! Nice to meet you!

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now