CHAPTER 32: Worried Sammer

113 10 0
                                    

Miracle's POV

"Ano bang gusto mong malaman? Yung kung paano ka nabuo nang dahil sa isang pagkakamali?"

Isang pagkakamali...

"N-nabuhay ako *hik* n-nang dahil sa *hik* i-isang pagkakamali... *hik* b-bunga ako *hik* n-nang... nang pagkakamali" wala sariling napaupo ako sa ilalim ng puno na nakita ko.

"Dederetsuhin na kita, hindi kita tunay na anak"

Kaya pala hindi mo ko matanggap! Kaya pala galit na galit ka sakin! Dahil... hindi mo ako anak... na bunga lang ako ng pagkakamali!

"Nagkaroon ng affair ang Mama mo sa ex boyfriend nya. Niloko ako ng mama mo, at nalaman ko nalang na nabuntis sya ng walang hiyang lalaking yon!"

Sobrang bigat sa pakiramdam... sobrang sakit!

"Mom, bakit di mo sinabi sakin yung totoo?!" wala sa sariling sigaw ko at napayakap nalang ako sa mga tuhod ko.

"Kaya hindi kita matanggap bilang isang anak dahil isa ka lamang pagkakamali!! At hinding hindi kita matatanggap bilang anak ko! Sapat na na hinayaan kitang mabuhay sa mundong ito, pero wag mong aasahan na tatanggapin kita sa buhay at pamamahay ko! Ibibigay ko lahat ng kailangan at gusto mo, wag ka lang magpapakita sa mga kapatid mo! Umalis ka na at wag ka nang babalik!"

Kasalanan ba na mabuhay ako? Kahit na bunga lang ako ng isang pagkakamali? Mali na rin ba na mabuhay ako?!

"Wala akong gusto o kailangan sayo! At kailan man! Hindi ko ginustong bumalik dito! At hindi mo na kailangang ipamukha sakin na hinding hindi mo ko matatanggap dahil alam ko na yan una pa lang!"

Kahit hindi mo ko ipagtabuyan...  kusa akong aalis. Kusa akong lalayo!

Isa lang naman hinahangad ko... yung tanggapin mo ko bilang isang tao, pero malabong mangyari... dahil isa lang akong pagkakamali!

Napatingin ako sa kalangitan nang biglang kumidlat at bumuhos ang malakas na ulan. Napangiwi nalang ako.

'Buti pa yung langit, handa akong damayan'

Nakakapagod... nakakapagod umiyak...

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at tumungo habang yakap yakap ang tuhod ko.

.
.
.

Sammer's POV

Waaah! Morning break na...

Di ko maintindihan tong nararamdaman ko, may nagpupush sakin na puntahan si panget sa room nya para malaman ko kung saan sya nagpunta kahapon, pero ayoko! Ayoko syang makita!

>~<

Sa totoo lang... balak ko na ngang umiwas na talaga sa kanya, kaya naman nya sarili nya noh! Kahit di ko naman na sya sunduin sa room nya tuwing uwian o ihatid man lang sa bahay nila! Tss! Lumaki nga syang wala ako sa tabi nya!

-,-

"Ah basta! Iiwasan ko na sya!"

"Sinong iiwasan mo bro?" halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may kung anong engkanto na sumulpot sa tabi ko.

"Wag ka ngang sulpot ng sulpot! Para kang kabute eh!" inis na sabi ko. Sinamaan ko naman sya ng tingin nang batukan nya ako.

"Kanina pa kaya ako nandito!" reklamo ni Hunter. Kinuha nya na yung bag nya kasama si Razzel. "Oh pano bro? Hindi ka ba sasama? Susunduin namin jowa namin" mapang-asar na tonong sabi nya. Tumingin naman ako sa labas.

Kung iiwasan ko sya... baka mahalata nya? Aaaiiish!!!

Kinuha ko nalang yung bag ko at sumama sa kanila.

The Bad Boy's LoveOnde as histórias ganham vida. Descobre agora