CHAPTER 10

140 10 0
                                    

Mira's POV

Pagkagising ko, naghilamos agad ako at nagtoothbrush. Di na ako nagpalit ng damit dahil kailangan ko pang bumili ng makakain. Si gunggong kasi nakikain!

Habang naglalakad ako palabas ng subdivision. Napansin ko yung kotseng nakapark sa playground at pamilyar ito.

Di talaga sya umuwi!

Lumapit ako sa kotse nya at kinatok ang bintana. Mukhang mahimbing ang tulog nya. Gunggong talaga! Ano bang nakain nya at nagkakaganyan sya?

Triny kong buksan yung pinto ng kotse nya.

Tss! Di man lang nilock.

Inusog ko sya sa passenger seat at sumakay ako. Pinaandar ko yung kotse nya at dinala ko sa bahay. Pagkarating namin don, sinakay ko sya sa likod ko.  Grabe! Ang bigat!

"Argh! Ang bigat mo!" sabi ko sa kanya kahit alam kong di nya ako naririnig.

Inihiga ko sya sa kama ko. Inayos ko sya at tinanggal ko yung sapatos pati medyas nya. 

Grabe! Hiningal ako don!

5:00 na.

Iniwan ko muna sya ng bahay at nagtungo sa bakery. Pandesal nalang muna ngayon. Pagkatapos kong bumili ng pandesal ay nagpunta ako sa grocery store na kalapit lang ng bakery.

*****

Sammer's POV

Nang magising ako, nagulat ako nang nasa kwarto ako. Nasaan ako?  Napabangon agad ako.

"Kwarto to ni pangit ah?" nanlaki ang mata ko.

Tinignan ko yung katawan ko. Hooo! Nakauniform pa ako!

Teka! Paano ako napunta dito?

May powers ba yung babaeng yon? Paano nya ako nabuhat papunta dito? Bridal style o kaladkad  style?

Lumabas ako ng kwarto ni panget. Sakto namang nandoon sya sa kusina. Parang kakarating nya lang.

"Akala ko ba bawal ako dito? Eh bakit mo ko dinala dito?" tanong ko sa kanya habang nakacrossed arm ako at nakasandal sa pader ng kwarto nya.

"Di ka naman natulog dito ng magdamag. Kanina lang kita dinala dito" sagot nya. Pumunta ako sa dining area ng bahay nya at umupo. Pinagmamasdan ko lang sya habang nagtitimpla sya ng kape.

Bakit kaya sya nakasalamin ng ganyan kalaki? Nagmumukha kaya syang panget sa salamin nya. Mas bagay sa kanya pag wala syang suot non eh!

"Wag mo kong titigan" napaiwas naman ako ng tingin nang sabihin nya yon. Napatingin naman ulit ako sa kanya at nakangisi sya sakin na parang nang-aasar. "Umiinom ka ba ng kape?" tanong nya.

"Oo" sagot ko naman. Binigay nya sakin yung isang tasa na may kape. Kinuha ko naman yon at inamoy. Tinignan ko sya. Kumunot naman yung noo nya.

"Wala bang lason to? O gayuma?" tanong ko sa kanya. Tinasaan nya ako ng kilay.

"Anong akala mo sakin? Mangkukulam?! Bat ko naman lalagyan yan ng ganon? At isa pa! Diba nakatitig ka sakin habang nagtitimpla ako? Tss! Baka naman... Di ka talaga nakafocus sa pagtitimpla ko" aniya. Ngumisi pa ito.

- _____ -

"H-hoy! Malay ko bang nilagyan mo yan bago ako lumabas ng kwarto" katuwiran ko.

"Sabi ko sayo diba? Wag mo kong tawaging hoy dahil di tayo mag-asawa"

"Eh sa gusto ko eh!"

"Baka gusto mo kong mapangasawa kaya ka hoy nang hoy sakin? Sabihin mo lang, baka pumayag ako" nakangiwing sabi nito.

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now