CHAPTER 49: RUN MIRA! RUN!

104 4 0
                                    

Justine's POV

"Hey son" rinig kong mahinang tawag ni mommy kaya napatingin ako sa kanya. Magmulat sya ng mata at parang gulat na nakatingin sa picture na hawak ko.

Mabilis siyang tumayo at inagaw yon mula sakin. Napakunot naman ako ng noo. "M-mom?" usal ko.

Bakit ganon? Bakit ako kinakabahan?

"M-mom, who's that woman?" tanong ko. Kinakabahan talaga ako. Nakita ko namang napalunok sya at tumingin siya sakin.

"She's my bestfriend, Zoephina..." parang nanghihinang sabi niya habang nakatingin sa picture.

Nanatili naman akong nakaluhod habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Zoephina Wrosford" nanlaki ang mga mata ko nang banggitin niya yung Wrosford.

D-don't tell me...

She's Miracle's mother?

Hawig na hawig niya si Miracle. But how could that be possible?

"She's you biological mom" natigilan ako sa sinabi ni mommy. Napansin kong may tumulong luha sa picture kaya napatingin ako sa kanya.

She's crying.

Umupo ako sa tabi niya at niyakap sya. "M-mom... y-you're just joking right?" nauutal na tanong ko sa kanya.

Kinakabahan ako sa isasagot niya. Please, this can't be!

"No, I'm telling the truth son. She's your real mother" sagot nito at yumakap sya nang mahigpit sakin. Di naman ako makapaniwala at natulala nalang.

K-kapatid ko si Miracle?

"S-son, you had a twin. She's a girl, find her" umiiyak na sabi nito.

"I don't need to find her mom, I already met her" sagot ko. Humarap naman sya sakin at gulat akong tinignan.

"Nagkita na kayo? Alam niya na magkapatid kayo?" gulat na tanong nito. Umiling ako.

"We just met. She's my schoolmate" ngumiti naman sya sakin at niyakap ulit ako. Napabuntong hininga nalang ako.

I can't believe this happening.

I thought it was Sammer. Razzel told me na magkapatid daw sila. And I need to tell them the truth.

Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang coat ko, nakacivillian lang ako. It's Saturday, kaya okay lang na nakacivillian kapag papasok.

Lumabas na ako ng bahay at nagpaalam kay mommy bago umalis.

.
.
.

Mira's POV

Lunch break na. At ang bilis ng oras. Sana nga at mas bilisan pa dahil kailangan kong puntahan si Kuya at Blake. Baka maunahan ako ni Dad.

Kinausap ko na si Mr. Helfel na kung pwede, doon muna sila Blake sa bahay niya. Pumayag naman sya.

Mabait naman pala si Mr. Helfel, at totoo nga yung sinabi ng mga pinsan ko.

Yeah, tanggap ko na na sya ang tatay ko. And he's telling the truth. Kinuwento niya sakin ang lahat.

Papunta kami ngayon sa canteen, buti nga at hindi namin kasama si yabang. Nasa Dean's office sya ngayon at wala akong balak na alamin kung bakit. Wala rin yung mga kaibigan ni Sammer at hindi ko alam kung nasaan sila. Wala rin akong balak alamin.

Napahinto ako sa paglalakad nang sumalubong samin si Justine. Nginitian niya ako pero tinignan ko lang sya.

"Can we talk?" tanong niya. Napaiwas naman ako ng tingin.

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now