CHAPTER 48: NEW HOME

95 5 0
                                    

Mira's POV

Pagkasakay ko sa kotse, di ko na napigilang umiyak. Di ko alam kung bakit ako umiiyak. Siguro dahil nasasaktan rin ako.

Pero bakit kailangan kong masaktan?!

'Kapag umalis ka... hindi na kita kilala'

'Simula bukas, hindi na natin kilala ang isa't isa. Di na ikaw yung tutor ko, at babalik tayo sa simula'

Napakababaw nya naman!

Siguro kung magiging kami at aalis lang ako sandali, hindi na niya ako papansinin kahit na kailan.

Tss! Ang pangit niyang magmahal!

Gusto kong magalit sa kanya dahil sa mga sinabi niya pero di ko magawa. Nilingon ko sya, wala na sya don.

Nagdadalawang isip tuloy ako kung babalik ba ako o itutuloy ko tong desisyon ko. Lumingon ulit ako sa likod. Di pa kami nakakalayo masyado.

"Manong, pwede bang bumalik tayo?" tanong ko sa driver. Tumingin naman sya sakin gamit ang front mirror.

Ibinalik niya yung kotse sa bahay nila gunggong. Di ko kayang umalis. Parang may nagtutulak sakin na manatili nalang sa bahay nila.

Bumaba ako at kinuha yung mga gamit ko saka patakbong pumasok sa loob ng bahay nila. Pagkapasok ko, nakasalubong ko si Sammer. Di ko alam kung inaabangan niya ba ako o hindi, wala na akong pakialam. Binitawan ko ang mga dala ko at niyakap sya.

"I'll stay..." umiiyak na sabi ko sa kaniya.

"Ma'am, nandito na po tayo" bigla naman akong napamulat ng mata nang may gumising sakin. Para naman akong hinihingal nang magising ako.

Panaginip lang yon?

Napatingin ako sa labas. Ang ganda ng mansyon at sobrang lawak. Mas malawak pa sa bahay nila Sammer at sa mansyon namin.

Mas lalong gumanda ang view sa labas nito dahil gabi na at may ilaw ang fountains. May mga christmas lights rin sa kahit saan. Basta maganda.

"Ma'am hinihintay na po kayo sa loob" sabi nung lumapit sakin. .

Kanina pa pala nakabukas yung pinto. Bumaba na ako ng kotse. Bibitbitin ko sana yung mga gamit ko nang maunahan na ako ng mga maids.

"Hey! You're here!" nakangiting sabi ng mayabang.

Tss!

Inirapan ko lang sya at nilagpasan. Sumunod naman sya sakin. Di ko alam kung saan ako pupunta kaya hinintay ko sya.

"Why did you stop?" tanong niya.

"Saan ba ako dapat pumunta?" nahihiyang tanong ko. Narinig ko naman syang tumawa.

Masaya ka na nyan? Tss!

"Follow me wife" nagkasalubong bigla ang mga kilay ko dahil sa tinawag niya sakin.

Hindi ba sya nandidiri?! Tss!

Bawat may makakasalubong kami, nagba-bow sila. Ewna ko bakit ganyan.

"Magstastart na ang party after 10 minutes. Fix yourself, sya na ang mag-aayos sayo. O kung gusto mo ako nalang?" sabi nito sabay kindat. Inirapan ko naman sya.

Tss!

May lumapit na maid sakin. Ewan ko kung maid ba to o ano. Bahala na.

Dinala niya ako sa isang kwarto, namangha naman ako sa ganda. May mga make ups at mga damit. Alam nyo yung kwarto kung saan nag-aayos yung mga artist? Yung may mga make ups tas malaking salamin tapos may mga damit tapos dun ka inaayusan. Ah basta!

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now