CHAPTER 25: HER FIRST DATE

125 10 0
                                    

Mira's  POV

Di  ko  alam  kung saan  kami  pumunta. Ngayon  lang  ako  nakarating  dito. May  mga  puno, Christmas lights, may  mga  bench  at  ang  romantic  ng  place. Parang  date na  ba  tawag  dito? -.-

"I  hope  you  liked  here" aniya  at  ngumiti  sakin. Takte! Nag-iinit  yung  pisngi  ko! Wag  kang  ngumiti  please! Ang  cute  kasi.

"Ahmm... Nagustuhan  ko  naman" nakangiting  sabi  ko. Medyo  di  ako  komportable. Syempre  first time ko  to  no!

May mga  tables pala  dito  para  sa  mga  couples. Pwedeng  group  date, double  date  at  couple date. Pero  syempre  dalawa  lang  kami kaya  dun  kami  sa  pang-dalawahang  table. May  lumapit  samin  na  waiter  pagkaupo  namin. Kinuha  nya  yung  order  namin. Si  Justine  na  yung  nag-order  ng  pagkain  para  sakin. Wala kasi  akong  mapili  dahil  ang  mamahal. Walang  cheap  price. Habang  hinihintay  namin  yung order, nililibot ko yung mata ko sa paligid. Ang daning couples dito. Siguro sikat to at laging pinupuntahan ng mga magdedate. Pero napaisip ako bigla, bakit nagyayang makipagdate tong si Justine sakin? Tas ako naman marupok! Pumayag!

"Miracle" bigla akong napaharap kay Justine nang tawagin nya ako. Binigyan ko naman sya ng isang 'huh?' look. "I want to ask you something"

"Ano yun?"

"P-pwede ba kitang---"

You and I, we're like fireworks and symphonies exploding in the sky--

"Yes? What?! Now? Argh! Fine! I'll be  there  in 5 minutes!" naguguluhan  ako  sa  kanya. Di  ko  alam  kung  sinong  kausap  nya  at  kung  anong  pinag-uusapan  nila. Tumayo  si  Justine.

"I'm sorry, I have  to  go. Tinext  ko  na  si  Klein. Sya  na  ang  susundo  sayo. Bye  take  care" nagmamadali  nyang  sabi  at  patakbong  umalis. Napanganga  naman  ako.

Paano  na  ako  ngayon? Ang  miserable  naman! Tapos  paano  yung  bill? Yung  pagkain? Takbuhan  ko  kaya? Hays! Di  ko  alam  gagawin  ko!

Hinintay  ko  nalang yung  waiter  na  maiserve  yung  order  namin. Pagkalapag  nya  ng  order  sa  table, tinanong  ko  sya. "M-magkano  yung  bill?" kinakabahang  tanong  ko. Di  sakto  tong  pera  ko. Hays! Bakit  kasi  dito  pa  sa  expensive na  restau  nya  ako  dinala? Pwede  namang  street  foods  nalang! Mas  mura  pa  yon!

"Wala  na  po  kayong babayaran  ma'am. Enjoy  your date" aniya  at  umalis. Itatanong  ko  sana  kung  bakit  at  paano  pero  umalis  sya  agad.

Hays! Di  ko  naman  kayang  ubusin  to! Sayang  naman  kung  iiwan  ko  nalang!

May  pa-enjoy  your  date  pa  yung waiter eh iniwan nga ako ni Justine! -.-

Tumawag ako ng waitress at pinatake out tong orders. Sa bahay ko nalang kakainin.

Hays! Di ko alam kung paano ako uuwi! Takteng yan! Di ko na maalala itsura nung Klein eh. Baka di ko sya makita o makilala.

Huminga ako ng malalim. Naisipan kong tawagan si Shaun. Sa kanya nalang ako magpapasundo kung di man sya busy.

"Hello? Shaun?"

[Oh bat napatawag ka pansit?]

"Pwede mo ba akong sunduin dito sa... ******* restaurant? Kung okay lang"

[Sorry busy ako ngayon, may kasunod pa akong meeting para sa mga investors. Sorry...  Kay Sammer nalang kita ipapasundo. Just wait there]

Hah?! Bat dun sa gunggong na yun?! Asa naman syang pumayag yun! Eh ihatid nga lang ako sa bahay ko ayaw nya, dito pa kaya?!

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now