CHAPTER 9: SHAUN

167 7 0
                                    

Mira's POV

Hays! Natapos din akong maglampaso. Napatingin naman ako kay gunggong. Di pa rin sya tapos sa pagwawalis. Takteng yan! Kanina pa sya nagwawalis!

"Kailan ka ba matatapos dyan?" tanong ko sa kanya. Huminto sya sa pagwawalis at tumingin sakin ng masama.

"Nang-aasar ka ba?" inis na tanong nito at tinaasan ako ng kilay.

"Hindi, pero kung naaasar ka... Amina nga yan! Ako na magwawalis! Tignan mo oh! Ang dami pang kalat!" lumapit ako sa kanya at inagaw ang walis sa kanya.

"Bahala ka na dyan, magpapahinga na ako" aniya at umupo sa armchair.

Tinapos ko nalang yung winawalis nya. Ang dali dali lang magwalis tapos ang tagal nyang matapos.

- ____ -

Ayan! Malinis  na!

Saktong nagring yung bell para sa lunch break.

"Una na ako pangit!" paalam ni gunggong.

- ____ -

Binalik ko muna yung walis at map sa janitor's room at nagpunta na ng canteen.

"Pancit  kooooooooo!!!" napalingon ako dun sa sumigaw. Nagulat ako nang makita ko si Shaun.

'Bakit sya nandito?'

Patakbo syang lumapit sakin at bigla nya akong niyakap.

"Namiss kita pancit!" parang maiiyak na sabi nito. Niyakap ko sya pabalik.

"Di kita namiss" pambibiro ko. Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at nginusuan ako.

"Di mo ko namiss?" tanong nya habang nakanguso. Mukha syang pato.

"Joke lang" sabi ko. Napangiti naman sya. Niyakap nya ako ulit. "Uy ano ba... Bitaw na! Madaming maissue dito" sabi ko sa kanya. Tinulak ko sya ng bahagya.

Sya  nga  pala  si  Shaun Raigne  Jackson. Kaibigan  ko  sya  since  grade 5. Close  na  close  kami  nyan. Mabait  sya  at  maalagang  boy  bestfriend. Crush  ko  sya  dati  pero  ngayon  ewan  ko  lang. Sa  tingin  ko  hindi  na  hahahaha! Nagkahiwalay  kami  ng  landas  nung  mag-aral  sya  sa  ibang  bansa, grade 10 sya  nung  magtransfer  sya  sa  US.

"Dito ka na mag-aaral?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang canteen.

"Oo, dito ko gustong mag-aral kasi nalaman ko na nandito ka" nakangiting sagot nya.

"Kanino mo naman nalaman na nandito ako?" tanong ko ulit.

"Sa step brother mo" sagot nya.

Ano?! Kay Hill? Paano nya nalaman?! Tss!

Pagkapasok namin sa canteen, nagtilian yung mga babae.

- ____ -

Basta pogi eh no?

"Waaaaaaahhh! Si Shaun!!!" sigaw nila.

Kilala nila sya?

"Ay! Kasama nya yung pangit na nerd" sabi nung isang babae.

Akala mo kagandahan!

"Grabe! Balak nya bang landiin lahat ng gwapo sa mundo?! Grabe ah!" bulong nung isa. Grabeng bulong yan! Rinig na rinig!

"Wag mo na sila pansinin" sabi naman ni Shaun.

- ____ -

"Mira!" napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ko. Sila Jona. Lumapit silang dalawa samin.

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now