CHAPTER 29

110 11 0
                                    

Miracle's POV

Wala akong ganang pumasok ngayon, pero kailangan. Mabilis akong nag-asikaso at umalis na ng bahay.

"Hoy panget!!!" sumingkit na naman ang mata ko nang marinig ko si gunggong.

Bahala sya dyan! Wala akong ganang makipag-usap sa kahit na sino.

"Hoy! Alam mo bang hinintay kita hah?! Tapos umalis ka na pala! Bakit di mo man lang ako tinext!?" inis ko syang nilingon.

"Alam ko ba number mo?!" inis na sagot ko sa kanya.

"Edi sana tinext mo si mommy" di ko nalang sya pinansin ulit. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makaabot ako sa room.

Sinalubong naman ako ni Krisa. Mukhang wala pa si Jona. "Di daw papasok si Jona" nakangusong bungad ni Krisa. "Okay" tanging tugon ko.

Nilapag ko na yung bag ko sa upuan ko at umupo. Feel ko sobrang pagod ako ngayon.

"Okay ka lang?" tanong nya. Tumango lang ako.

Ano nalang kaya ang iisipin ni Blake sakin? Hays!

**FLASHBACK**

"Ow! It's you again!" tila tuwang tuwa nitong sabi. Ngumiti ako sa kanya.

"Ah... oo"

"Blake?" bigla akong kinabahan nang marinig ko ang boses na yon na syang tumawag sa batang kaharap ko ngayon. Aalis na sana ako ngunit huli na ang lahat. Nasa harap ko na sya ngayon at parang gulat na gulat ito nang makita nya ako.

"Alexia?" tawag nito sakin.

"D-did you call her Alexia?" gulat na tanong ni Blake. Nanatiling tikom ang bibig ko.

Bwisit!

"Yes, I did" sagot nito. Tumingin ako sa kanya. Walang ekspresyon ang mukha nito. Sunod akong tumingin kay Blake. At tila  hindi ito makapaniwala sa narinig nya.

"Y-you're my... sister?" gulat na tanong ni Blake. Di ko alam ang isasagot ko.

"Don't you dare to deny it Al---

"MS. WROSFORD!!!" bigla akong bumalik sa ulirat nang marinig ko si ma'am. Taas kilay itong nakatingin sakin. Ramdam ko naman na ang lahat ay nakatingin sakin.

"What are you dreaming of?! Stand up!" napatayo agad ako.

-,-

"Come here and answer this!" naglakad ako papalapit sa board at walang ganang sinagutan yung pinasasagutan ni ma'am.

Di naman sa pagmamayabang, pero kahit di ako makinig alam ko yung sagot.

"Go back to your seat!" mahina akong bumuntong  hininga at bumalik sa upuan ko.

Ilang oras ang lumipas, lunch break na.

Nasa field ako ngayon, di ako sumama kila Krisa kahit na pinipilit nila akong sumama sa canteen. Ayoko munang may kasama.

.
.
.

Krisa's POV

"Hoy!" sabay kaming napalingon ni Jona nang tawagin kami ni Sammer.

Himala, di sya sumingit sa pila.

Hays, ang galing talaga ni Miracle!

"Wag mo ngang ma-hoy hoy si Krisa!" inis naman na baling ni Razzel kay Sammer.

Myghad! Kinikilig ako hihi...

Inirapan lang sya ni Sammer. "Asan si panget?" napatingin ako kay Jona. At muli akong tumingin kay Sammer.

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now