CHAPTER 36: MIRACLE IN DANGER

110 6 0
                                    

Shaun's POV

Nakakaloko talaga tong si Sammer. Parang tanga! Masyadong obvious na nagseselos! Pahalata masyado tss!

"Oh paano? Bukas nalang ulit" paalam ko kay Mira. Kinawayan nya naman ako pagkababa nya.

Hays! Lalo tuloy akong naiinlove sa kanya! Kahit na binasted nya ako alam kong meron akong pag-asa sa kanya kahit katiting lang. Ayos na yon! Kesa naman sa kapatid kong si Sammer! Bwhahahaha! Paano nga naman sya magugustuhan non eh kita mo naman ginawa nya kanina! Tss!

Napailing nalang ako sa naisip ko. Sa wakas at nakauwi na ako. Wala pa rin sila mommy pagdating ko. Pumunta nalang ako sa kwarto. Bigla namang bumungad sakin si Sam na nakaupo sa kama ko at ang sama ng tingin sakin.

Kinunotan ko naman sya. "What are you doing here?" kunot noong tanong ko. Sinara ko naman yung pinto ng kwarto ko. Maglalakad sana ako papuntang closet nang magsalita sya.

"Don't close the door, baka mamaya gahasain mo ko dito. Wala pa naman sila mommy" nakangangang nilingon ko sya dahil sa sinabi nya.

"Ang kapal mo! Anong tingin mo sakin? Bakla?! Tss! Ikaw nga tong bading sating dalawa!" binalingan nya naman ako ng matalim na tingin.

"At paano ako naging bakla?!" inis na tanong nito.

"Kung umasta ka kasi kanina masyado ksng pahalata na nagseselos ka" nakangising sabi ko. Inirapan nya naman ako.

Oh kitam?! Haha! Bading nga si Sam!

"Eh ano naman kung obvious?! Mas okay na rin yon para malaman nya kunganong nararamdaman ko! Tss! Alam nya rin naman na gusto ko sya" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya.

So he mean na umamin sya?!

"U-umamin ka?!" gulat na tanong ko. Tumango naman sya. Napangiti naman ako nang malawak. Lumapit ako sa kanya at akmang yayakapin ko sana nang bigla nya akong itulak.

"KITA MO NA?! SABI KO NA NGA BA'T PINAGNANASAAN MO KO! LABAS!!!" sigaw nya. Napailing nalang ako.

"In your dreams gunggong! Kwarto ko to!"

"Don't you dare to call me gunggong! Si panget lang pwedeng tumawag sakin nyan!" inis na sabi nya. Tss! Parang bata!

"Okay lang... mas maganda naman tawag nya sakin, my labs! Haha!" nakita ko namang parang napipikon na sya kaya napahalakhak ako. Sininghapan nya naman ako at padabog syang lumabas ng kwarto ko.

Hayst! I never expect na makakausap ko sya nang ganon katagal. After many years... nagbago sya dahil kay Miracle. And that's a good news. Gusto ko man sya para kay Mira, pero she's only mine.

.
.
.

Miracle's POV

Pagkapasok ko ng bahay, natigilan agad ako nang makita ko sila Blake at kuya na nanonood.

Anong ginagawa nila dito?

Sabay silang napalingon sakin. Patakbo namang lumapit sakin si Blake at niyakap ako. Niyakap ko sya pabalik.

Hayst! Ang sarap sa pakiramdam! Akala ko magagalit sya sakin ng sobra tapos di na nya ako papansinin. Pero eto sya ngayon, sya mismo lumalapit sakin.

"Ate, we're going to sleep here, ayos lang ba?" napanganga naman ako sa tinanong nito.

"H-hah? Matutulog kayo dito? E-eh p-pano yung daddy nyo? Papagalitan kayo non" gusto ko silang makasama pero alam kong di pwede dahil sa tatay nila.

I don't want to call him dad dahil di naman nya ako anak, at itinakwil nya na ako. There's a side na, naguguilty ako kapag di ko sya tinatawag na dad.

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now