CHAPTER 16: THE NEW MIRACLE

156 9 0
                                    

Mira's POV

Nakakabwisit talaga! Buti nalang di ako nakalbo! Hays! Kailangan ko tuloy ipaayos yung buhok ko.

Nandito kami ngayon sa mall nila Jona, tinext ko na si Mrs. Jackson na hindi ako makakapunta dahil may pupuntahan ako.

"Excited na ako! Omaygash!!!" di mapakaling sabi ni Jona. Napabuntong hininga naman ako. Pumunta kami sa salon ng tita nya. Dun nalang daw ako magpaayos ng buhok.

Pagkapasok namin, winelcome agad kami ng tita nya. Buti wala pang costumers.

"Ahmm.. Tita, she's Miracle for short Mira. And Mira, she's Tita Hailey" pagpapakilala ni Jona.

"Ow! Hello Mira" nakangiting bati sakin ng tita nya. Nag-alok syang makipagshake hands at ginawa ko naman.

"Anong maipaglilingkod ko?" tanong ng tita nya.

"Pwedeng paayos ng buhok nya tita? Ginupitan kasi ng isang bruhang babae na hindi namin kilala" sagot naman ni Jona.

"Bakit? Patingin nga" sabi nung tita nya. Inalis ko naman yung tali ko at buhaghag na ang gulo gulo kong buhok. "Di naman gaanong magulo. Keri kong ayusin to. Halika iha" aniya pa at pinaupo ako kung saan umuupo yung costumer.

"Imemake over kita" sabi naman nung tita nya.

Anong make over?

Kung ano anong pinaglalalagay nya sa buhok ko bago nya ako gupitan. Buti nalang mahaba yung buhok ko kaya di ako makakalbo. Hanggang kilikili yung iksi ng buhok ko ngayon. Dati sobrang haba kaya ako nagbebraid. Pagkatapos nyang gupitan, plinantsa nya yung buhok ko. Kulot kasi ako! Yung pinong kulot, alam nyo yun?

Natagalan bago matapos. Halos di ko makilala yung sarili ko habang nakatingin ako sa salamin. Di ako sanay.

"Ayan! Perfect! Konting make up pa" aniya at kung ano anong make up ang nilagay nya sa mukha ko. Makinis naman ang mukha ko eh, ni pimples, blackheads etc.

"Ayaaaaan! Ayos na! Ibang iba sa itsura mo dati!" tuwang tuwang sabi ng tita ni Jona. Binigyan nya ako ng dress at kulay pink ito. Pinagbihis nya ako at pinagsuot ng may takong na sandals. Di naman mataas kaya okay lang.

Pagkalabas ko, napanganga si Jona.

"O M G!  Mira is that you? Omaygash! Tita what did you do to her?! Ang ganda nya! Sobra!" manghang mangha na sabi ni Jona.

Napatingin ako sa salamin. Para ngang di ako.

Bago kami umalis, may binigay sakin yung tita nya. Lotion ata to. Ewan ko! Tapos di na nya ako pinagbayad dahil kaibigan naman daw ako ng pamangkin nya.

"Salamat po" sabay naming sabi sa tita ni Jona.
Umalis na kami sa salon.

Nag-ayang mag-ice cream si Jona. Pumayag naman ako.

"Grabe! Halos nakatingin sayo lahat ng dumadaan! Ikaw na besh! You're the prettiest na!" proud na proud na sabi nya. Natawa naman ako. "Malamang nyan! Di ka makikilala nila Shaun, Krisa at lahat ng tao sa school! Grabe kaya yung pinagbago mo!" dugtong pa nito.

Nakarating na kami sa ice cream store at pagkapasok namin, nakatingin samin yung mga tao. Ayoko ng ganito! Nakakailang!

*****

Sammer's POV

Nakakainis yung pangit na yun! Nagleave na naman! Saan naman kaya pupunta yun?

Hindi kasi sya magtututor ngayon dahil may pupuntahan daw sya sabi ni mommy. Pinaliwanag nya rin yung tungkol sa kahapon. Ang sabi nya may inasikaso lang daw sya kahapon kaya hindi na sya nakapunta. Ano kayang pinagkakaabalahan non? Eh?! Bakit ba tinatanong ng isip ko yon?!

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now