CHAPTER 45

75 5 0
                                    

Mira's POV

Pagkauwi ko sa bahay nila gunggong, agad kong hinanap si Shaun. Pero wala pa sya. Gusto ko lang sana humingi ng favor sa kanya. Hindi ko naman alam yung number ni Claude.

Baka kung ano na nangyari sa kanila. Kanina pa ako hindi mapalagay.

Humiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame.

Sya pala ang tatay ko... kaya pala ganon nalang yung sinabi nya samin. Pero hindi naman si Sammer yung kasama ko non, kundi si Shaun.

Hays!

Sasama ba ako sa tunay kong ama o hindi?

Ayoko namang magtagal dito, nakakahiya sa parents ni Shaun. Hayst!

Ilang ulit akong bumuntong hininga. Di ko na alam kung anong gagawin ko.

'Tawagan mo ko kapag nakapagdecide ka na anak. Hihintayin ko tawag mo'

Bigla kong naalala yung sinabi ng matandang yon. Sya ba talaga? Paano kung nagsisinungaling lang sya?

Bigla akong napaupo nang biglang may kumatok sa pinto. Lumapit ako sa harap ng pintuan at binuksan yon.

"Kakain na" sabi ni gunggong. Tumalikod na sya sakin at naunang bumaba.

Nandoon sila Mrs. at Mr. Jackson, kasama nila si Shaun. Buti nalang!

Pagkalapit ko sa lamesa, nginitian ko sila nang napipilitan.

Nakakahiya!

"Upo ka na iha" nakangiting sabi ng mommy nila. Umupo naman na ako, katabi ko si Shaun pati si Gunggong. Bale napapagitnaan nila ako.

"Hmm... Sam, diba sa Sunday na yung kasal ni Justine pati ni Gillian? Ano nga palang balak nyo?" saglit akong napatigil sa pagsubo nang itanong yon ng Dad nila.

"Aattend ako" parang walang ganang sagot ni Sammer.

"How about you Shaun?" tanong naman ng Dad nila kay Shaun.

Nakikinig lang ako sa kanila habang kumakain ako.

Ikakasal na pala si Justine? Pero ang bata pa nila. Tss! Ano bang paki ko?

"I'm going, and Mira will be my partner, if it's okay?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sagot ni Shaun. Napatingin ako sa kanya, nakatingin sya sakin habang nakangiti.

Pinandilatan ko sya ng mata. "A-ako? H-hindi naman ako imbitado" mahinang sabi ko sa kanya.

"Eh ano? You're my partner kaya--"

"Hindi pwede! Nauna na ako sa kanya at ako ang magiging partner nya!" pagputol ni Sammer sa sasabihin ni Shaun. Napalingon naman ako sa kanya. Salubong ang mga kilay nito habang masamang nakatingin samin ni Shaun.

"Panong ikaw? Ni hindi mo pa nga ata sya tinatanong. Tss! And as if namang papayag sya" sagot naman ni Shaun.

Hay nako, pag untugin ko sila eh! Sino ba may sabing aattend ako?

"Heh! Shut up your ugly mouth! She will be my partner!"

"Di nyo naman kailangang pag-awayan ang isang babae. At isa pa, do you have a girlfriend right? Why don't you ask her to be your partner" singit ng Dad nila. Tinutukoy nya si Scarlett. Pasikreto akong napangiwi.

Oo nga, bakit hindi nya ayain yung babaeng yon? Malamang sa malamang papayag yon. Baka nga gusto pang sumabay sa kasal nila Justine.

-,-

"W-we've broke up. She broke up with me" sagot ni Sammer. Napatingin ako sa  kanya dahil sa sinabi nya.

Seryoso lang syang nakatingin sa pagkain nya at parang pinaglalaruan yon.

The Bad Boy's LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt