CHAPTER 26

121 9 0
                                    


Miracle's POV

Pagkatapos kong tumambay sa bahay nila Shaun, pumunta muna ako sa McGrey Village. Gusto ko lang silang makita, pero this time kailangan kong magtago ng maigi para di nila ako makita. Nagtago ako sa isang malaking puno na di kalayuan sa mansion. Nakita kong lumabas si Blake mula sa gate. Mukhang aalis sya. Tutal sya lang naman mag-isa kaya sinundan ko sya. Nakarating ako sa park na madalas kong pinupuntahan dati. Huminto si Blake at umupo sa may swing. Naalala ko bigla, madalas kaming pumunta nila kuya at mama dito para maglaro. Tapos si mama yung parating nagduduyan samin.

Pero anong ginagawa ni Blake dito na sya lang mag-isa?

Tumingin ako sa paligid. Wala namang cctv dito. Wala ring tao. Kaya napagpasyahan kong lapitan si Blake. Di naman nya ako kilala. Kahit ito lang na pagkakataon ang ibigay sakin para malapitan ko sya. Sana walang umepal.

"Hi" bati ko sa kanya at ngumiti ako. Napansin kong nakasimangot sya pero nagtataka rin.

"Who are you?" tanong nya. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.

'Ni bunso kong kapatid di ako kilala'

"Hmm... Di mo kailangang malaman. Pero wag kang mag-alala, wala akong gagawing masama sayo" sagot ko. Tumingin nalang sya sa kawalan at mag-isang dinuyan ang swing. Narinig ko pa ang malalim na buntong hininga nya. Mukha ngang malungkot sya. Umupo ako sa katabing swing non.

"Pansin ko lang, bakit parang malungkot ka?" tanong ko sa kanya.

"Do I need to answer your question?" tanong nya habang nakatingin sa kawalan.

"Sabihin na nating oo"

"Kasi until now, di ko pa rin nakikita yung ate ko"

Natigilan ako sa sinabi nya. Alam nyang may ate sya? Kinakabahan tuloy ako.

"B-bakit? A-ano bang nangyari sa ate mo? K-kilala mo ba sya?"

"My brother told me na.... Lumayas daw sya sa mansion namin after mamatay ng mommy namin. Kuya didn't told me the reason. I don't know her. Ang alam ko lang ay yung pangalan nya"

'Kung ganon di kinuwento sa kanya ni kuya'

Pasimple akong ngumiti. Kahit papaano alam nyang may ate sya.

"Anong pangalan nya?"

"Miracle. Alexia Miracle"

"Gusto mo ba syang makita? Makilala?"

"Yeah! I want to meet her!" masiglang sagot nito. Mukhang gusto nya nga talaga akong makilala.

'Kung alam mo lang Blake, kaharap mo na ang ate mo ngayon. Pero di mo pa kailangang malaman ngayon. Gusto kong yung taong inaasahan ko ang magsabi sayo. Para kahit papaano, ma-ipagmalaki nya ako kahit sayo lang'

"K-kung sakaling makita mo sya, anong una mong gagawin? Sasabihin?"

"I will hug her tight! Tapos ililibre ko sya ng maraming Mcfloat! Favorite nya kasi yun sabi ni kuya... Tapos... I will ask her why she left us and if did she love me"

Tss! Pati yun sinabi sa kanya.

"Hmm.. Alam mo, sigurado akong mahal na mahal ka ng ate mo. Mahal ka nya kahit di mo maramdaman. At kapag nagkita kayo? Malamang yayakapin ka rin nun ng mahigpit" pinipigilan ko ang mga luha ko habang sinasabi yon sa kanya.

"Paano? Eh di nya naman ata ako kilala"

"Kilala ka nun! Bunso ka eh, kaya malamang alam nyang may kapatid syang bunso"

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now