Mira's POV
"Oh! Tapos na!" -gunggong. Binigay nya na sakin yung test paper.
Tinignan ko yung mga sagot nya. Halos lahat walang sagot, konti lang yung may sagot. Tinatamad lang ba sya o sadyang bi-ow bi-ow sya? Charr
Chineckan ko na yung test paper at nakakuha lang sya ng 9 over 100.
- _____ -
"Anong klaseng score yan?" iritado kong tanong sa kanya. Pero di naman halatang naiirita ako.
Alam kong nananadya sya. Di naman ata sya ganon kabobo dahil nakaabot sya ng senior high.
- ____ -
"Diagnostic test lang naman yan ah? Kaya wag kang umangal" pang-aasar nito. Napairap nalang ako.
"Biology muna ang ituturo ko. Halos wala kang sagot don" sabi ko sa kanya. Nilabas ko yung libro namin sa biology.
Diniscuss ko sa kanya yung mga importanteng lesson sa biology pati yung mga kailangang tandaan. Habang nagdidiscuss naman ako, hindi sya nakikinig.
-,-
"Nang-iinis ka ba? Sayang kaya yung laway ko sa pagsasalita tapos di ka nakikinig!" inis na sabi ko sa kanya. Tumingin sya sakin.
"Kahit anong turo mo, di ako makikinig! Di ko rin naman maiintindihan, kaya para saan pa kung makikinig ako?" inis na sabi nito.
"Paano mo nga naman maiintindihan kung ayaw mong intindihin? Paano mo matututunan kung ayaw mong pag-aralan? Sige nga!" pangaral ko sa kanya. Di sya nakaimik. "Alam mo! Kung gusto mong maintindihan, iintindihin mo. Kung gusto mong matutunan, matututunan mo! Para saan pa kung nag-aaral ka sa isang mamahalin at sikat na paaralan kung di ka naman nag-aaral ng mabuti? Pumapasok ka nga, walang namang pumapasok dyan sa kokote mo dahil ayaw mong makinig sa nagtuturo! Tss! Di porke mayaman ka mananatili kang mayaman kahit di ka mag-aral. Tandaan mo MR. SAMMER JACKSON! EDUKASYON ANG KAISA-ISANG KAYAMANAN NA DI MAKUKUHA NINO MAN! Eh yung pera? Nananakaw diba? Pero yung edukasyon hindi! Kaya mag-aral ka!"
"Di kita nanay para sermonan ako! Yan ba yung gawain ng tutor?! Magturo ka na nga lang! Dami pang satsat!"
"Eh di ka naman nakikinig eh!"
"Oo na! Makikinig na ako!" inis na sabi nito.
Tss! Kailangan pa talagang sermonan bago makinig!
Inulit ko mula sa simula. Kahit na mapagod ako sa kakasalita, ayos lang kung matututunan naman ng tinuturuan ko. Kaya kapag di sya nakinig, pagbabasahin ko sya ng libro na makapal!
*****
Alice's POV
"Ano? Okay na ba?" tanong ko sa maid. Nagpa-bake kasi ako ng cookies para kay Sammer at Miracle.
"Opo" sagot naman nito at kinuha yung cookies sa oven. Nilagay ko na sa isang plato yung cookies at pumuntang study room.
**
Bubuksan ko na sana yung pinto pero natigilan ako nang marinig ko si Miracle na parang sinesermonan si Sammer.
ESTÁS LEYENDO
The Bad Boy's Love
Novela JuvenilIsang pag-ibig na di mo inaasahang mararamdaman sa isang taong kinaayawan mo. Nagsimula ang lahat sa pambubully at saan nga ba ito hahantong? Halina't basahin ang... The Bad Boy's Love Originally by HisMasterPiece_WP (IAMAIMAS) ©ALL RIGHTS RESERVED...