CHAPTER 41

93 5 0
                                    

Sammer's POV

*knock* *knock* *knock*

Tinabi ko muna yung laptop ko sa side table ng kama ko at lumapit sa pinto saka ito binuksan.

"Kakain na" sabi ni Mommy. Lumabas naman na ako. Bababa na sana ako nang hilahin nya ako.

"B-bakit Mom?" takang tanong ko. Kumunot naman ang noo ko nang makita ko syang nakangisi.

Anong meron sa Mommy ko at ganyan sya?

"Puntahan mo si baby Miracle sa kwarto nya, sabihin mo kakain na" ngiting-ngiti nitong sabi. Mabilis syang umalis at bumaba.

Napabuntong hininga naman ako.

Tss! Bakit ako pa?! Dapat si Shaun nalang!

"Hoy panget!" sigaw ko habang kumakatok. Bigla namang nagbukas to.

Nang makita ko sya, parang biglang nagslow motion yung paligid.

Ang cute nya sa suot nya hahaha!

"Tss! Na-star struck na naman ang gunggong sakin" nakangising sabi nito saka naunang bumaba.

Potek! Matapos ko syang puntahan iiwan nya ako?!

"Ano wala ka pang balak bumaba?" napalingon naman ako sa nagsalita. Napaiwas naman ako ng tingin.

Akala ko bumaba na sya tss!

Nagpipigil ako ng ngiti. Ewan ko ba bat gusto kong ngumiti.

"Good evening baby Miracle!" masiglang bati ni Mommy sa kanya. Halata namang nagulat si Miracle dahil sa pagtawag nito sa kanya ng 'baby'

Tss!

"G-good evening din po Mrs. Jackson" parang naiilang naman na bati nito kay Mommy.

Huminto si Mommy sa paglalagay ng plato sa lamesa at nakangiting tinignan si panget. "Ano ka ba! Don't call me Mrs. Jackson okay? Mommy nalang hehe" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mommy.

Potek! Di pa nga kami mag-asawa Mommy agad?! Masyadong advance tong si Mom! Tss!

Di pa nga sure kung magiging kami talaga eh, tss! Bwisit talaga yung matandang yon!

Pwede naman siguro family stroke, mag-aampon nalang kami ng bata para hindi maging abnormal anak namin. NYAHAHAHAHA!

Natawa naman ako sa naisip ko.

"Mommy, wag nga kayong ganyan kay pa--Miracle! Nahihiya tuloy sya" pang aasar ko kay panget. Sinamaan nya naman ako ng tingin.

"Naku! Don't be shy iha. Hihi" napailing nalang ako. "Magsi-kain na kayo"

Umupo ako sa tabi ni panget. Napansin kong nagulat sya pero di ko yon pinansin. Nakangiti naman kaming pinagmamasdan ni Mommy.

Aish!

"Mmy!! Paano naman kami makakain ni BABY Miracle kung nakatitig ka samin" kunwaring reklamo ko at sinadya ko talagang diinan yung salita Baby!

Nyahahaha! Kinikilig na siguro to! Namumula eh!

^3^

Pag ako naging boyfriend nya, mamumula sya nang sobra sa kilig. Bwhahaha!

Kumain nalang ako habang pasikretong sumusulyap kay panget.

Hihi! Sya lang ang nakatagpo kong panget na maganda! Tss!

Natapos na kaming kumain. Maghuhugas pa nga sana si panget ng pinagkainan pero pinigilan sya ni Mommy. Hinila ko naman sya papunta sa kwarto ko.

The Bad Boy's LoveΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα